CHAPTER 42 - Renew?

54 3 0
                                    

It's been a week ever since the end of 'that'. Walang nakakaalam sa school sa nangyari. Ang tanging alam lang nila kung bakit kami umabsent ay dahil nagkaroon ng sudden occasion kaya hindi na kami kinwestyon pa ng mga ibang tao.

May ilang mga nagtatanong lang din kung bakit may mga sugat kaming lahat but we avoided those.

Bumalik na rin kami sa dati na para bang walang nangyari.

At mas lalong naging masaya ang samahan namin. Maski sila Yuuki at Arnie ay kasama na namin pag break time.

Walang pwedeng makaalam sa nangyari sa aming lima kaya kami kami na lang din ang nakakaintindi sa sitwasyon ng isa't isa. Sa ganong paraan, ginawa namin itong barkada.

"Uy penge!"

"Ako din!"

Nanlibre ngayon si Jade dahil sinabi niyang siya daw ang may kasalanan ng lahat. Kahit na pinipilit naming lahat na hindi naman siya ang puno't dulo ng lahat, pinilit niya kaya binigyan niya kami isa isa ng dingdong at juice.

"Heto sayo, Serene." Iniabot sa akin ni Jade ang isang dingdong at juice. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya.

Namiss kong kumain ng ganito. Namiss ko ding kasama sila. Salamat naman at bumalik na kami sa ganito. Wala na akong ibang hihilingin pa.

Sobra ang saya ko.

"Waah! Ang daya! Huminga ka sa akin tapos ako hindi pwede humingi sa iyo?!"

"Oo! Ble!"

Napatingin na lang ako kina Jade, Yuuki at Arnie. Nakatayo si Jade at si Arnie at mukhang galit na galit kay Yuuki. Nagsimula silang mag-agawan at kitang nagtitinginan na ang ibang tao sa ginagawa nila.

Hila hila nilang tatlo ang isang dingdong na hindi pa bukas at sa sobrang lakas at bumukas yung dingdong at sumabog ang laman na kung saan saan napunta.

Tiningnan ng masama ni Jade silang dalawa.

Napatingin na lang din ako kay Drew na nanonood din sa away nila at sabay kaming natawa.

I guess it's time for us to renew our life.


Enough is enough.

-=-=-=-

" Tara na, Serene! Bilisan mo!"

"Okay okay. Saglit lang."

"Bilis!"

"Argh, heto na nga eh! Why are you in a hurry, anyway?"


Isinuksok ko na lang lahat ng gamit ko sa loob ng bag at isinabit na ito sa balikat ko. Etong si Jade, hindi ko alam kung bakit atat na atat itong umalis. If I remember correctly, we are going down to the garden to check the plants then we are heading to Poochie cafe for work.

Wala namang exciting sa pagtatrabaho diba?

Well... that's Jade.


"Eeeeh! Gusto ko pang makita si Michael bago tayo umalis."

Tiningnan ko siya habang nakataas ang isang kilay ko.

"Totoo na ba? You do have feelings for him, don't you?"

Namula ang mukha niya. Iniwas niya ang tingin niya sa akin pero tuloy pa rin kami sa pag lalakad.

Natawa na lang ako. Jade is really mysterious. She reminds me of Drew but she is really an air head when it comes to keeping secrets. Masyado siyang halata.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon