" Are you ready, Miss Serene?"
Tumango na lang ako sa tanong ni Drew sa akin.
Kinuha ko na yung backpack ko pero this time, hindi na siya yung kadalasang binibitbit ko na grabe lang sa laki at ang kadalasang ginagamit ko sa school. Yung normal na maliliit lang siya but it's not literally small.
Normal size, to be exact dahil hindi naman ako maglalagay ng napakaraming gamit dito ngayon.
Papunta nga pala kami sa SM. I volunteered to do the groceries since today is Sunday and the maids are supposed to buy. Pero laking gulat na lang nila nang sabihin kong ako na ang bahala dun sa pamimili.
"Ayos ka naba? Tara na! Bilisan mo! Baka magising na si Ma'am Serene niyan, bulyawan pa tayo."
"Oo, Oo. Heto na nga ako eh!"
"Bilis!"
"Where are you going?" Natigil silang dalawa sa pagaayos nang marinig nila akong nagsalita. I was standing by their door half awake since kagigising ko lang. Bukas kasi ang pintuan ng kwarto ng isang maid namin kaya hindi na ako nagdalawang isip pang sumilip at nakita ko silang dalawang ganito.
"OH MY GOD, Ma'am! I-i.. w-we are.. we.." i ,i ,we, we?
"L-lalabas lang p okami... p-para bumili n-ng--"
Tinaas ko ang kamay ko para patigilin ko siya sa pag sasalita. They both stopped from stuttering a word at pareho silang humalumbaba. Nakayuko lang sila pero kita kong sumisilip din sila sa akin. Then bigla akong ngumiti. I smiled at them. Pareho silang nagulat. I smiled sweetly at them showing that I do care. Sometimes.
"A-ano pong--"
"You guys stay here. I volunteer to do the groceries, okay?" Nanlaki ang mga mata nila at sabay silang napaluhod. At kitang kita ko sa kanilan gmga expression kung gaano sila katuwa nang marinig nila ang sinabi ko.
But that made me question why pero bahala na. Ang gusto ko lang, ay matutunan nila na hindi na ako yung kagaya dating makikitamo pa lang na pababa ng hagdanan ay magsisitakbuhan na sila na parang nakakita ng zombie.
Speaking of zombie...
Napatingin ako sa sarili ko..

BINABASA MO ANG
51st BODYGUARD
AcciónCompleted || Serene Dowelle suffers from her personality from which she wanted to change ever since her anxiety made her aware of what others think of her. Walang nakakaalam kung bakit nag-iba ang pakikitungo niya sa ibang tao-- at w...