CHAPTER 4 - New Bestfriend

393 13 0
                                    

Nakarating ng Downlakes Highschool nang sabay-sabay kaming tatlo. Tinakbo na namin at pinabayaan na yung siraulong driver ng jeep na yun.

Nakakainis lang. But I must admit. If it wasn't because of Jade knowing my weakness, I would have been in jail by now.

At hindi manlang ba asikasuhin yung nasirang jeep at pinabayaan na lang? Tumambay pa sa isang tindahan. He was even using his phone and taking a picture or whatever. Kainis talaga. That old man.

Tumatakbo kami ngayon paakyat ng building ng school. Katatapos pa lang pala ng ceremony kaya almost late na kami. Buti nga hindi kinoconsider na totally late yun at pinapayagan pa kaming pumasok ng guard.

Althoug magkakaroon kami ng record sa logbook ng guard.

Magkakaiba pala kami ng section. Nasa class A ako, B naman si Jade at si Drew. Ang cool lang kasi hindi ko naging kaklase yung dalawang iyon.  Wala tuloy akong kakilala. Wala naman talaga akong 'close' friends kasi lahat sila takot sa akin.

Wait, am I even wanting to be classmates with them?

Pero simula nung malaman ko yung weakness ko kanina lang kay Jade.. parang nawala yung pride ko at nangibabaw na rin ang takot ko sa ibang tao.

But I don't want to show my weak side kasi baka mabiktima ako ng mga taong mga weak at hindi marunong lumaban o i-ignore ang mga sinasabi ng ibang tao.

Ayoko maging kaawa awa.

Nung makapasok na ako ng classroom, dumiretso agad ako sa upuan ko, which is nasa third row at pinakagilid.

It's a middle row pero nasa tabi ako ng bintana.

I'm not being a commoner, which I am not, pero wala na akong choice dahil ito na lang ang natitira nung unang araw ng pasukan.

Nakayuko lang ako kasi ngayon lang ako nakaramdam ng hiya dahil late akong pumasok.

Nakakahiya talaga.

Pagkaupo ko pa lang ay nakarinig na kaagad ako ng bulungan. At sa lakas ba naman ng pandinig ko ay naririnig ko isa isa ang mga pinagsasabi nila.

'Si Serene? Late pumasok?'

'Weh? At bakit parang kakaiba siya ngayon?'

'Shhh! Naririnig ka niya!'

What the-- Oo na pansin ko rin na iba ako ngayon kaya pwede ba, "Tumahimik nga kayo!"

Nanlumo ako pagkasabing pagkasabi ko pa lamang nun. Those words should only be kept in mind pero dahil sa kaugalian ko, hindi ko na namamalayang nasabi ko na pala.

Pero buti naman at tumahimik na sila. Mabuti naman at hindi sila nagagalit although kita kong natakot sila.

"Okay class let's start bla bla bla bla"

Hindi ko na pinakinggan pa mga sasabihin ni ma'am. Paniguradong bagong lesson na naman iyan sa english eh maalam na ako diyan.

Hindi ako nagyayabang pero hindi ko feel ngayon makinig sa lesson. I felt wonder.

Wonder about a certain someone.

Napaisip naman ako yung nangyari kanina. Medyo nakakatawa nga yung nangyari kaya para akong tanga ditong nangingiti mag-isa.

"Miss Dowelle. Why are you smiling?"

Nagulat naman ako nung bigla akong tawagin ni ma'am sa apilido ko. Nagtinginan tuloy lahat sa akin.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon