CHAPTER 36 - Unusual Attack

60 6 0
                                    

"Then ang magiging mommy namin ay....

si Ate Adrei."

Tama ba ang narinig ko?

Bakit parang huminto ang mundo ko?

Bakit ako nakaramdam ng lungkot?

Totoo ba itong nararamdaman ko?

Hindi.. hindi ako pwedeng magselos.

Tsaka, bakit naman ako magseselos?

"E-eh... ano r-role ko?" Tanong ko sa kanya. I'm not really that excited to this game anymore. Aaminin kong nawalan ako ng gana.. sobrang nawalan ng gana..

"Ikaw ang magiging yaya namin." Dirediretsong sabi niya. Hinila na niya sila Drew at Adrei then naglaro-laro silang lahat doon.

I felt my heart sank.

Bakit?

Hindi ko rin talaga maintinidihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko, kailangan ko munang mapag-isa ngayon.

Dumiretso ako sa may pintuan pero tumingin muna ako saglit sa kanila.

Masaya si Drew.

Parang gusto niya yung larong bahay-bahayan. Pati si Adrei. Hindi ko alam kung ano ikinasisiya niya, but I don't think it's because of their roles.

Alam kong mahilig talaga siya sa mga bata kaya siya masaya.

Pero ako hindi.

Hindi na ako nagpaalam at lumabas na ako. Dumiretso na lang ako sa may playground at umupo sa inupuan namin kanina. Huminga muna ako ng malalim pagka-upong pagka-upo ko.

Bakit ba ako nagkakaganito?

Nagseselos ba talaga ako? Eh ano naman kung si Adrei ang nanay? Gusto ko rin ba maging nanay? Dahil si Drew ba ang tatay?

Nag-assume ba ako?

Pero wala namang dahilan para magselos ako. Walang dahilan para maging malungkot ako.

"May problema ka ba?" Napalingon ako nang may marinig akong magsalita. Paglingon ko, nakita kong nakatayo sa gilid ang lolo ni Drew na may dalang inumin. Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti.

Dahan dahan siyang umupo sa tabi ko at inilapag yung inumin niya sa may table. Then tumingin siya sa akin ng diretso saka siya ulit ngumiti.

What's with his smile?

"Nagseselos ka ano?"

Nagulat naman ako sa tanong niya at naramdaman kong namula kaagad ang ang mukha ko. Napayuko ako ng hindi ko alam kung bakit.

Ayokong masamain ang pagkasaya ni Adrei dahil wala naman akong karapatang magalit sa kanya. Tsaka para sa kasiyahan rin niya at ng mga bata yun kaya wala akong magagawa.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon