CHAPTER 3 - Jeepney Ride

459 17 0
                                    

It's Monday and I'm on my way to school. Since tapos na ako magbreakfast, kukunin ko na lang yung backpack ko sa loob ng kwarto.

Teka nasan na nga pala yung bodyguard ko na 'yun? 'Diba dapat eh nandito na yun at kasama kong pumunta ng school? Eh sa magkapareho pala kami ng school. Nasan na kaya yun?

Teka, in the first place, ba't ko ba siya hinahanap?

Pagkakuha ko ng backpack ko, bumaba na ako at lumabas na ng gate. Hindi ko na hinintay si Sariah.

Malamang eh busy sa pagcecellphone yun. She should be getting ready by now. Pero simula nung magbakasyon, buong araw na nagkukulong sa kwarto niya yun at nakatutok sa cellphone niya. Ni hindi na nga naliligo yun minsang tumagal ng isang linggo.Adik.

Sinarado ko na yung gate ng bahay. Hindi na ako nag-abala pang magpahatid sa driver. Ayoko magpahatid, baka pagkaguluhan lang yun doon.

Hindi naman kasi ganun kayaman at kagandahan yung school na pinapasukan ko. Simple lang siya at kaya ng ibang magsesemi-private school. Basta't magkaiba kami ng mundo ni Sariah.

Magjejeep na lang ako.

Halos tumalon ako sa kinatatayuan ko nang bigla kong makita ang isang nakatayo at nakapamulsa pang lalaki nung lumingon ako saglit. I thought it's someone famous but to your disappointment, yung bodyguard ko lang pala.

Akala ko kung sino na. My heart almost stopped to think na makakakita ako ng isang taong napakalapit sa akin at nakatinging nakangiti.

This is why I hate having bodyguards! Nakakainis lang talaga dahil sagabal sila sa privacy.

"Miss Serene, Let's go?"

Hindi ko na lang siya pinansin dahil naiinis ako sa presence niya. San ba siya nakatira? At ba't ngayon lang din siya dumating?

Serene, what's up?

Kanina, ayaw mo siyang makita, ngayon naman curios ka sa kanya.

"Don't come closer to me." Seryoso kong sabi sa kanya ng pabulong. Nakangiti lang siya doon before and after kong sabihin yun.

Nanguna na ako sa paglalakad. Nilampasan ko siya pero hindi ko siya dinikitan. Paniguraduhin niya lang na hinding hindi niya ako lalapitan or didikitan. Ifi-fire ko siya talaga.

I literally mean put him on fire.

Nang medyo nakalayo na ako sa lalaking ito, kitang kita ko sa gilid ng mata ko na nakasunod lang siya habang naglalakad ako papalayo. I smirked. I don't know why I get irritated so quickly but does that prove my low self-esteem?

Masyado ba akong negative to the point na lahat ng bagay na maibibigay kong description sa tulad niya eh walang mabibilangan ng mga magagandang traits?

Nakakita na ako ng jeep na dadaan sa school namin kaya pumara na ako. Huminto rin yun at sumakay na ako. Buntot naman itong isa at tumabi pa talaga sa akin.

" I told you not to come closer to me." i gritted my teeth habang pabulogng kong sinabi 'yun.

Para naman siyang timang na umusod usod sa kabilang dulo. Umaga palang kasi at maagang-maaga pa kaya tatatlo lang kaming nakasakay sa jeep.

Yung isa pang babaeng kasabay namin ay nakatingin lang na nakangiti. Parang ulol na nakangiti lang at tinitingnan kaming dalawa.

It's pretty obvious even if she's glancing for a look. Im over here and Drew's is over there so kita ko mga mata niyang malikot na tinitingnan kami.

Naiirita ako.

Not at them.. but to myself.

I'm starting again.. nagsasalita na naman ako.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon