CHAPTER 34 - Seeing the Memories

72 7 0
                                    

"Sarah.."

Nabibingi na yata ako sa mga naririnig ko.

Naestatwa ako sa kinauupuan ko at hindi maalis ang mga titig ko sa lolo ni Drew. Nakatingin pa rin siya sa Journal sa side table at wala ring naimik sa amin matapos niya iyon sabihin.

"Uhm.. Miss Serene?" Nagsnap out naman ako nung bigla akong tawagin ni Drew.

"Y-y-yes?" Nauutal kong sagot.

"Is there something...wrong with the name 'Sarah'?"

Napayuko ako after niya akong tanungin. Nanahimik ako saglit dahil ayaw magprocess ng lahat sa utak ko. Feeling ko sasabog na ang lahat sa sobrang pagkacoinsidence ng buhay ko sa buhay ni Drew.


"M-my Grandmother.."

Ang bilis magreact ng tenga ng lolo ni Drew dahil bigla na lang siyang napalingon dito sa amin. And the truth... I can't accept them.. I feel like.. there are so many emotions crying out to me.. At naghahalo halo ang lahat sa utak ko.

"S-sarah.. is your...Grandmother?" Nagtatakang tanong ng lolo ni Drew.

Oo, lola ko si Sarah. Sarah Lazaro. Nanay ni mommy.

Ang mom ko ay si Shera L. Dowelle.

Ang lola ko ay si Sarah Lazaro.

Ako ay isang Lazaro din. Serene L. Dowelle.

Pero.. hindi sila magkadugo dahil ampon lang din si mommy kay Lola. Wala na akong alam tungkol kay lol maliban sa nag-ampon siya ng anak--si Mommy, dahil hindi ko na siya inabutan pa.

Tumango naman ako sa tanong niya at para siyang nanlumo at napayuko after kong tumango. Pero naguguluhan ako dahil hindi ako makapaniwalang alam niya kung sino ang lola ko.

Ako, na apo niya ay hindi manlang siya kilala. Pero siya na hindi ko naman alam kung sino at hindi ko rin alam kung magkaano sila, ay parang kilala niya ng matagalan.

"Bakit niyo po siya kilala?" Tanong ko naman sa kanya. Hindi niya ako sinagot.

Tumayo siya mula sa kama at pumunta siya sa may bintana dala-dala yung Journal.

Tumingala siya at parang may kinakausap doon. Bumuntong-hininga naman siya at saka siya muling nagtanong sa akin.

"Nabasa mo ba ang laman nitong librong ito?" Sabay taas niya nung Journal nang hindi kami nililingon. Pero alam kong nakikita niya kami mula sa reflection ng bintana.

"Y-yes. I read it all." Sagot ko naman. He hugged the Journal that made me flinched.

"Then.. alam mo na siguro ang kwento ko.... at ng lola mo."

Napatayo ako sa gulat. Maski si Drew ay napatayo din.

Hindi ko lang alam pero parang hindi nagulat si Drew dahil sa Journal. Parang alam niya kasi ang tungkol dun dahil sa reaksyon niya nung unang beses niyang makitang hawak ko yung librong iyun.

Ang ikinagulat niya siguro.... ay yung sinabi ng lolo niyang kwento nilang dalawa ng lola ko.

"A-ang lola ko po?!" Gulat kong tanong. Nagkatinginan kami ni Drew ng nanlalaki din ang mga mata.

I coudn't believe it.

That story that I just read.. was my grandmother's life?!

Tumalikod na yung lolo ni Drew at lumapit sa amin.

"Sama kayo sa akin. May ipapakita ako sa inyo."

***

Naglalakad kami ngayon sa isang playground. Hindi yung playground ng orphanage pero isa pang playground na familiar sa akin.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon