CHAPTER 16 - I hate TV

152 10 0
                                    

Last subject na at 10 minutes nalang, makakalabas na ako dito.

To be honest, kung hindi lang malakas ang boses nito ng teacher namin, I was sleeping until now.

Pilit na sumasarado ng mga mata ko pero kinukurot ko na lang ang kamay ko para magising pa ako. 

I think my arm is bloody red as I was pinching them for a while.

Tumingin ka lang sa gilid, sisigawan ka na kaagad ng teacher.

Lilingon ka lang sa gilid maninigaw na ang teacher.

Pabagsak na sana ako sa table habang naka talikod pa si ma’am at nagsusulat sa blackboard, nang bigla naming marinig ang bell na nagpabuhay sa amin. At sa wakas!

Makakaalis na kami sa impyerno.

Lumabas na yung teacher naming pero nasulyapan ko pa siyang hinihimas niya yung leeg niya.

Masyado kasing mala-bundok ang pagitan ng mga kausap niya but we’re not even 1 feet far from her.

Inayos ko na ang bag ko at pinagsusuksok ko lahat ng mga nasa table ko.

Ewan ko ba, usually ginaganahan ako ‘pag pauwi na lalo na’t after bell.

Pero ngayon, I feel lazy.

Isinukbit ko na ang bag ko sa shoulders ko at lumabas na ng classroom.

I glanced at my wrist watch and noticed it was only 3:00.

Hinanap ko kaagad yung mga unggoy na dapat ay sila ang naghihintay sa akin pero bahala na nga. I’ll just look for them for now.

Napunta ako sa may cafeteria at nadatnan ko silang naka-upo sa may isang bakanteng table sa gilid. I felt relieved so I walked up to them and stood beside the table. Tumayo lang ako doon at seryosong nakatingin sa kanila hang nag-uusap at nagtatawanan pa talaga.

Pareho at sabay silang napalingon sa akin at parang gulat na gulat pa sila nang makita nila ako. Nagtitigan lang kami hanggang sa tinaasan ko sila ng kilay at natinag din sila.

“ Ba’t ang gaga niyo?” Panimula ko sa kanila.

“ Nag P.E. kasi kami eh.. kaso may naaksidente kaya maaga kaming pinalabas. Huhuhu, kawawa naman yung napilayan.”

Sagot ni Jade at tumayo na rin silang dalawa.

Nanahimik na lang ako.

Alanganaman bang magsimula pa ako ng conversation eh kilala niyo naman itong si Jade. Ang bunganga parang wala ng bukas eh.

Lumabas na kami ng school at naghiwalay na kami sa may tapat ng gate. Jade said she still needs to go to the cafe to help her mom pero nagtanong ako kung may maitutulong ba ako. Don’t get me wrong, I was just asking.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon