CHAPTER 17 - Garden Greek

148 9 0
                                    

Nagising na lang ako sa tunog ng alarm clock ko. Naninigas ang mga kamay ko sa inis at kinapa ko ang side table pero bigla akong napaupo sa kama.

Kinusot kusot ko ang mga mata ko na parang bata at inikot ang paningin sa paligid. I thought I was going to smash another annoying clock pero naalala ko kasi kaagad ang nangyari kahapon kaya, I'd rather wake up at risk than swimming in garbage again.

Speaking of garbage, hindi ako nakapag bihis or nakapagpalit man lang kagabi.

Ganito pa rin suot ko at hindi man lang ako naligo.

Dali-dali akong bumaba ng kama at dumiretso ng banyo-wait..

'Paano ako nakarating sa kama if I was sleeping in front of my study table?' tanong ko sa sarili ko..

Did I teleport?

*tok* *tok* *tok*

Napakunot naman ang noo ko.

"Come in." sabi ko habang nakakunot pa rin ang noo ko sa pintuan.

"Oh, you're up already?" Seryoso? Nakakagulat bang gising ako ng ganitong oras?

Eh sa yung ang set ng alarm clock ko.

Pumasok naman siya at tumalikod na ako at padiretso na sana ng banyo nang magsalita muli siya.

"Jade delivered another set of maid dress for extra. It comes with a letter, Miss Serene."

I stopped at the thought of what he just said. Ano?

"Read it." Utos ko na lang saka ako dumiretso sa may walk in closet ko para kumuha ng damit.

"But that's not appr-"

"Read the d*mn letter!" Napasigaw tuloy ako.

Nagulat naman ako nang mag'ehem' siya at naghanda nang basahin yung letter.

Take note; pati accent ni Jade, kopyang kopya niya.

Nagpapatawa ba siya?

"Serreeeeeeeeeenee!!!" Napatakip ako ng tenga.

Sh*t! Kopyang kopya ang sigaw!

"I delivered another dress para naman dumagdag ang uniforms mo! Don't forget mamaya ah! Same time, same place! Eksdi, colon asteri-oh wait those were emojis."

Tumango na lang ako at sa hindi ko na siya pinansin, dumiretso na ako sa banyo at naligo na. He knows what to do, where to go and when I get out.

I finished my bath and I just went downstairs to find Drew glancing at our big window sa gilid ng TV. And I also saw Sariah on the couch wearing her uniform.

"Sariah?" Medyo kinabahan ako kasi ewan ko kung galit pa ba siya sa akin.

Tumigil ako sa may gilid ng sofa kung saan nakasalampak si Sariah. " If you're going to use your phone then turn off the TV."

Did I seriously said that? Alam kong galit siya pero may gana pa ba akong magreklamo at magpadagdag ng galit sa kanya?

Pero si Sariah, hindi naman kasi yan nagagalit kaagad.

I mean, hindi talaga yan nagagalit.

Nagulat naman ako nang ngumiti siya. Ngumiti siya?! Does that mean-

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon