CHAPTER 43 - Trust

74 3 0
                                    

"Jade!"

Tumakbo ako ng pagkabilis bilis nang makita ko si Jade na dahan-dahang pumasok sa front gate ng school.

Ilang araw ko na siyang hindi nakikita.. iniiwasan niya ba ako?


Pero kung ganun nga... alam kong mas lalaki lang ang dahilan kung bakit niya ako iniiwasan.


"Jade! Iniiwasan mo rin ba ako?" Hinihingal kong tanong kay Jade nang makalapit ako sa kanya.


Kapag wala siya, feeling ko, ang lungkot ng mundo ko. Siya na itong maingay, ngayon ay wala nang nanggugulo sa buhay ko. Nakakapanibago lang. Akala ko din ay magiging masaya kapag tahimik ang paligid pero nakakamiss ang ingay niya.

Ayoko ng iniiwasan niya ako... nalulungkot ako..


Tumungo lang siya at balak na sanang tumalikod kaya hinawakan ko kaagad ang kamay niya bago pa siya makalayo.

"Jade..." Ngayon ko na sasabihin ang mga nalaman ko. Kung maging maayos kami ngayon at malalaman niya na may alam ako, baka lalo lang siyang magalit. At least, ngayon, isang buhos na lang ang galit niya.

It's been days since those thoughts haunt me. Lagi akong binabagabag na alam kong may sinisikreto si Michael sa kanya pero hindi ako umimik.

Kaya mas mabuti nang sabihin ko na ang lahat sa kanya.

"S-sorry..."

Bigla namang tumaas ang kilay ni Jade at hinarap niya ako ng maayos.

"Bakit ka naamn nag-sosorry? Hindi... naman ako galit sa'yo eh... gusto ko lang ng space.." Sabay ngiti niya sa akin pero malungkot.


Napabuntong-hininga na lang ako. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa magiging reaction niya kapag sinabi ko ito.

Pero nandito na ako eh. Para matapos na ang lahat.

"Uhm.. M-may sasabihin ako, Jade..."

Huminga muna ako ng malalim.

" I-isang beses.. nakita kong may kasamang tatlong babae si Michael. That was the time when he was showing interest in you... hindi ko lang nasabi dahil ngayon ko lang narealize na familiar nga sa akin yung lalaking iyon.."

Nakatingin lang si Jade sa akin pero hindi ko inaasahan ang reaksyon niya.

Tumawa siya ng malakas.

As in malakas.


"HAHAHAHA! Ano ka ba, Serene! M-malay mo... mga kaibigan niya lang 'yun! HAHA! Sige! By—"

"Hindi lang, yun.. Jade.."

Natigil ulit siya nang magsalita ako.

Huminga ulit ako ng malalim. Kahit na labag sa kalooban ko, dapat niya itong malaman.

"M-may time na nakita ko si Michael sa isang hallway na may... kasamang babae... at naghahalikan sila doon...."

Jade was stunned.

She didn't speak.


Napayuko lang siya pero may mga luhang namumuo sa mga mata niya.

Bigla nalang may tumulong luha mula sa mga mata niya na nagpataranta sa akin.

"J-jade—"

"BAKIT HINDI MO SINABI SA AKIN?!?!"

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon