CHAPTER 31 - Orphan's owner

87 7 6
                                        

"Naku! Papatayin ko talaga 'yung sila Juliana 'pag nakita ko sila!" Sigaw ni Jade habang sinusuntok suntok yung ere.

Tapos na ang laban at laking tuwa ko nang manalo si Jade sa laban.

Ang sabi niya nga sa akin ay nakita niya daw kasi ako na sumosoporta kahit na nasa malayo ako. Tinanong niya pa nga ako kung bakit daw ako nakadungaw lang sa labas kaya inexplain ko ang nangyari.

Then sinabi niya rin ang walang tigil na pang-aasar ni Michael Timera sa kanya kanina pa. Pero kahit papaano daw ay sumosoporta daw siya sa kanya kaya medyo thankful din siya.

Kasalukuyang nagngangangawa si Jade dahil sa sinabi ko nga 'yung dahilan kung bakit ako napunta sa labas para manood ng laban.

Nasa backstage lang kami ngayon ng GYM at nagpapahinga muna saglit si Jade then didiretso na daw siya ng Cafe.

Nalaman ko na lang kanina na pinrankahan lang pala ako nila Juliana, Ash at ni Erika. Ang tatlo pang kagrupo ko sa project namin. Tinext kasi ako nila Arnie at Yuuki na ginawa daw nila 'yun at nang-utos pa ng iba para inisin ako.

Kaya pala hindi ko kilala yung babaeng nagsabi sa akin na pinapatawag daw ako sa faculty office.

Nakita rin kasi kanina ni Jade na nakaupo daw sila Juliana sa upuan ko nung una kaya doble inis ni Jade sa nalaman niya.

Pero natutuwa lang ako dahil alam kong nag-alala siya sa akin at tiyak na galit na galit ito sa kanila.

"Sige, Jade. May pupuntahan pa ako eh. Susunod na lang ako sa  cafe mamaya. Congratulations again. I'm proud of you." Mahinahon kong sabi.

Ngumiti naman siya sabay yakap niya sa akin. I'm not surprised but I felt kind of happy. Niyakap ko rin siya pabalik.

Nagpaaalam na kami sa isa't isa at dumiretso na ako palabas.

Nang makarating ako pabalik sa orphanage, nagisip muna ako kung tama ba itong ginagawa ko or due to curiosity lang ang lahat. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko pero bakit ba gusto kong malaman ang lahat ng ito.

Nakita ko naman yung doorbell na mukhang pusa at yung pindutan ay nasa ilong. Ang cute lang tingnan at mukhang colorful din itong orphanage. Mukhang inaalagaan din ito ng mabuti dahil medyo fresh pa ang colors niya.

Nagdoorbell na ako kaagad, bigla namang may lumabas na babae sa pintuan.

Maganda, matangkad, mahaba ang buhok at mukhang nasa 30+ pa lang siya.

"May maitutulong po ba ako sa inyo?" Sabay ngiti nung babae.

Naiilang akong ngumiti rin. Huminga muna ako ng malalim saka ako nagsalita uli.

"Uhm... itatanong ko lang po kung kilala niyo po ba si Drew Sandon?"

Natigil saglit yung babae na para bang may malalim na iniisip. Pero hindi rin nagtagal at nagsalita siya uli.

"Opo. Sige po, pasok muna po kayo."

***

"Bakit niyo po siya kilala?"

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon