CHAPTER 35 - Bahay-bahayan

64 6 0
                                    

Sabi ko mga March pa ang next update pero dahil walang pasok bukas, tinry kong mag-update hahaha! May mga nagbabasa pa ba diyan? Sana hindi kayo nawala :( Heto na update owww :))

-=-=-

Wala akong ibang ginawa kundi magfocus na lang muna sa school nitong mga nakaraang araw. Sabado na rin pala ngayon.

Natapos ko na naman ang problema nila Drew at napansin kong mas sumigla pa si Drew kesa sa dati niyang mga kilos.

Ang sarap sa pakiramdam na alam mong dahil sa iyo ay nagkaayos sila ng lolo niya na matagal nang hindi nagkikita dahil nga sa problema.

Yung matagal nang bumabagabag sa kanya, na halos buong buhay siyang hinahaunt ng past niya, naayos na ngayon. Tapos malalaman mong, isa ka sa mga taong nakaayos n'un.

Nalaman ko rin na matagal na palang patay ang mga magulang ni Drew kaya siya nasa ampunan noon. Hanggang sa binili nga iyon ng lolo ni Drew at dumating sa puntong iniwan din niya ang ampunan.

Araw araw din akong nagpupunta sa cafe nila Jade at masaya ako sa paulit ulit kong pagpapart time kasama si Jade. Naeenjoy ko naman kasi yung paglalakad paikot ikot tapos magseserve sa mga costumers.

Lalo na yung technote, nakakaenjoy din gamitin.

Linalayasan lang din naman ako ni Drew at dumidiretso siya sa likod ng cafe. Kaya kapag tapos na ako sa trabaho ko, ako mismo ang pumupunta doon. Same spot. But I don't care. As long as alam ko kung saan siya matatagpuan, pupuntahan ko na lang siya.

Wala naman akong magagawa. Hindi ako marunong magdrive at mas lalo naman akong duwag kapag pauwi ng gabi.

Nagpupunta din ako doon sa garden at palagi kong chinecheck yung project namin. Madalas ko ding nakikita doon yung iba kong mga kagrupo pero hindi lahat ay tumutulong. Nanonood lang sila sa akin at pinagtatawanan ako habang ako ay naghihirap para sa score din nila. Hindi na sila naawa.

Pero wala na akong pakelam sa kanila. Masaya ako sa paggagarden. Nakakaenjoy din kasi kapag nakasanayan mo.

Nagsisitubuan na nga yung ibang mga halaman  at nakakatuwa dahil nakikita mo yung hardwork mo ay may tumutubong magandang bagay.

Papunta kami ngayon ni Drew sa orphanage. Kagaya ng pinangako ko kay Gabriel, yung batang nakausap ko sa orphanage nung isang araw,  maglalaro kaming dalawa. Nakakaexcite.

Nangako rin ako sa lolo ni Drew na bibisita ako.

Pero malaking pagkakamali nung masabi ko sa Poochie Cafe ang plano namin ni Drew na pumunta sa orphanage.

"Sama ako!" Nakangiting sigaw ni Adrei.

Nagtataka nga ako nun dahil bigla bigla na lang siyang nagvolunteer na sumama para makipaglaro kay Gabriel at sa mga katulad niya. Mga bata ang makakalaro ko pero gusto niyang sumama. Hindi lang naman si Gabriel ang pupuntahan ko doon, pati na rin mga bata. Kaya yun ang nasabi ko.

Pero ang nakakapagtaka ay yung nagvolunteer siyang sumama sa akin.

Wala akong choice kundi payagan siya. Okay lang naman kung sasama si Adrei.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon