CHAPTER 41 - Over

60 3 0
                                    

AN: as promised, nag update ako hahahahah 😊😊

****

Papa.... bakit hindi mo sinabi?

Pinunasan ko na ang mga mata kong basang basa na sa luha. Halos wala na rin akong makita dahil sa mga luha ko.

Ibinulsa ko na muna yung letter na nakita ko. Pero hindi ko na napigilang umiyak ng tuluyan. Humagulgol na lang ako sa pag-iyak.

Bakit ganon? Papa.. bakit?


Why did you leave us just like that?


Sabi mo mahal mo kami pero kung mahal mo talaga kami, dapat inisip mo muna na kahit anong mangyari, magagawan natin ng paraan ang lahat..

Kaya nga tayo pamilya, diba?

Sana... naisip mong... hindi ka namin pababayaan sa problema mo..

Alam kong gumaan ang buhay namin nung magsimulang magtrabaho si mama ng walang pahinga nung nawala ka, pero hindi pa ba iyon sapat nung nandito ka pa? Na alam mong naghihirap si mama na alagaan kami katulad ng paghihirap mong magtrabaho?


Ang daming paraan para makakuha ng trabahong sinimulan mo na. Pero hindi mo ba naisip iyon?

"Papa... miss na miss na kita... miss na miss ka na namin..."

Pinunasan ko na ulit ang mga mata ko saka ako huminga ng malalim.


Inikot ko ulit ang mga mata ko sa paligid. Hindi ko makita ang paligid kanina nung dinala ko si Drew dito dahil sa nakapatay ang mga ilaw. Bukod sa madilim ang paligid dahil sa gabi na ay wala pang ilaw.

Hindi ko nakikita ang mga nakakabit sa pader.

Kaya ba umiwas ng tingin sa akin si Jade? Dahil alam niya? At hindi ko napansin?

Speaking of Jade... mukhang nagkamali ako ng hinala... akala ko tinraydor niya ako... kami... maski ang kapatid niya, hindi rin kami pinabayaan.

Napangiti na lang ako.


Naalala ko naman ang dahilan ng pagpunta ko dito. Yung safe!

Dali-dali kong inayos ang itsura ko at nilapitan ko ang pwesto namin kanina ni Drew. Sa pwesto kong sinasadalan kanina, kinapa ko ito. May telang madumi na nakapatong sa isang bagay na hugis kahon.


I felt strange a while ago nung mauntog ako sa bagay na ito at hindi ko maiisip na hindi kaya...


Tinanggal ko ang tela at para akong nanliit sa nakita ko.


Tiningnan ko ang bagay na iyon. Masyadong matigas itong box na gawa sa metal. Inakala kong malambot kanina dahil ramdam ko na may tela ito pero hindi ko alam na may ganito sa ilalim ng tela.

Pinagmasdan ko ng maigi ang box.

Ito nga ba ang safe? Ito nga ba talaga?

Sana ito na 'yun! Napapagod na ako sa lahat... sana hindi ako nagkamali..

Pero nasaan ang lock? Walang pasukan ng susi. Paano ko ito mabubuksan?

"Finally.."

Napalingon ako nang may marinig akong nagsalita. Kaagad ko namang nakita ang tatay ni Jade- kung natatandaan kong Allen Fortellano ang pangalan nito.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon