CHAPTER 38 - Following to Europe

71 6 0
                                    

" Mag-iingat ka ate ah?" Nakasimangot na paalala sa akin ni Sariah.

Yes. I'm going to Europe. Im Following Drew to Europe.

Hindi ko rin naman madedeny sa sarili ko na sobra ang pag-aalala ko sa kanya nung malaman kong dumiretso siya sa Europe para itapos ang kaguluhang ito. At dahil sa nakita ko sa likod ng Poochie Cafe, hindi ko rin maipagkakaila na may kinalaman ang katauhan ko sa mangyayaring ito.

I know that I'm connected to this.

It did involve my father, at nadamay ang buong mundo.

Hindi rin maganda ang kalalabasan nito kapag hindi ito natapos sooner.

Kasama ko si Jade papuntang Europe. Sabi niya naman, poprotektahan niya ako. Pero what's weird it that she's actually acting very strange. May kutob akong may alam siya dito but I didn't want to question her. So nanahimik na lang din ako.

Nagpaalam na kami kay Michael na siyang naghatid sa amin dito sa Airport. Pinipilit niya nga ring sumama pero sabi namin, huwag na lang. Pero namilit pa rin siya. Kaso sinapak ni Jade kaya hayun, sumunod sa gusto ng prinsesa niya.

"Please be safe, Jade. Call me when anything happens. Mag-iingat ka rin Serene."

Yumakap si Jade kay Michael at napatingin naman ako sa taas.

Uhm...

"Bye, I'll miss you!"

Naghiwalay na kami. Dumiretso na kami sa loob.

Nang makasakay na kami sa eroplano, tinanong ako ni Jade, " S-serene... can I ask you something? Medyo weird nga lang ang itatanong ko, hahahahahha!"

Mukhang bumalik na siya sa dati. Medyo maingay na siya ngayon at hyper.

Tumango naman ako.

" Tell me, aware ka ba na... nagbago ka na? Simula nung makilala kita, aaminin kong nakakatakot ka nun. But after everything that happened, I realized that.. you changed. A LOT."

Napahinga ako ng maluwag. Kinakabahan ako actually sa tatanungin niya. Pero na-relieved din ako sa sinabi niyang nagbago na ako. Gusto ko rin naman iyon kaya medyo natuwa pa ako.

Kahit matagal ko nang tinatanong iyan sa sarili ko, natutuwa pa rin ako kahit paulit ulit.

" Oo.. nakakatuwa nga ehh.. tanda mo ba nung isang beses na sinabi kong gusto kong magbago? Well, natupad na siya. Salamat sa iyo."

Biglang nawala ang ngiti ni Jade sa mukha niya at napalitan ng isang nakakatawang expression. Tiningnan niya ako ng nakataas ang isa niyang kilay at parang nagsasabing 'Weh?'

"Weh?" Oh diba? "Ako nga ba ang nagbago sa iyo? Osige, sabihin nating sa tulong ko. Pero ako nga ba?" Nakataas pa rina ng isa niyang kilay.

At kada segundong tinitingnan niya ako ng ganun matapos niya sabihin iyon, isa lang ang taong pumapasok sa isip ko.

" I guess..... may part na si Drew--"

"ANONG PART?!?!"

Natahimik ang buong paligid.. pagkalingon ko, nakita kong nakatingin lahat ng tao sa loob ng eroplano sa amin. Shizz... ang ingay namin.. lalo na itong si Jade.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon