CHAPTER 40 - A Letter of Truth

67 5 2
                                    

AN: WAAAAH!!! SORRY SORRY, Nakalimutan kong mag-update nung Friday! One week na lumipas sa promised date. So ibig sabihin, hindi ako marunong tumupan sa mga promise T-T Hahaha! Sorry talaga.


Pero dibale, babawi ako hahaha. Promise na talaga. :)) Brace yourself, baka umiyak- lol hindi naman siguro pero wag magbasa ang mababaw umiyak. Wag din matakot dahil tinry ko talagang maging fun ang story at hindi horror. Lol. Ittry kong mag-update bukas dahil...... tenenenenen..

Malapit na matapos ang story na ito! Hahaha well siguro mga 5-10 chapters pa pero malapit na talaga hahaha. Gusto ko na rin ituloy yung Online Dating pero naside ko muna 'yun dahil nahihilo ak sa plot nito. Sorry kung medyo magulo (ieedit ko pa naman ito in the far future). Enjoy this chapter! :) Thank you sa mga nagtatyaga magbasa hahaha. Loves for all -Coco

-=-=-=-=-

"Miss Serene... please be careful."


Nakababa na ako ng hagdanan, finally. Ginamit namin yung longest ladder mula rooftop hanggang dito sa may tabi ng parking lot.


Nanginginig pa rin ako sa lamig dahil bukod sa umuulan pa rin na siyang dahilan para muntikan na ako dumulas, ang lakas pa ng hampas ng hangin sa katawan namin. Nasa taas pamandin kami.



Hinihintay ko na lang na makababa si Drew. Honestly, kinakabahan ako sa kanya.


I mean, iniintindi niya pa rin ako sa kabila ng itsura niya sa ngayon.

Hindi ko na siya makilala dahil sa itsura niyang bugbog sarado. Gulo gulo na ang buhok niya't basang basa. Hinang hina na ang katawan niya pero nagawa niya pa rin akong samahan at mag-alala.


Pero kung titingnan mo, gwapo pa rin siya. Oo gwapo talaga siya.


Inaamin ko na.



Nang makababa na siya, nagulat na lang ako nang bigla siyang nagbreak-down at napahawak na lang sa mga tuhod niya. Sa taranta ko, napayakap tuloy ako sa kanya.


Our bodies are wet and i felt disgusted but whatever.


"A-ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.


Malamang hindi.


Inalalayan ko muna siya paloob ng building at pumasok kami sa isang kwarto.

Actually hindi siya kwarto. Akala ko maganda-ganda naman ang loob pero nagsisi akong ipasok siya dito dahil nakakita agad ako ng mop, pagkaupo pa lang ni Drew.


So, we're in a janitor's closet? How nice.


"Ughh.."


Nakita kong napasandal si Drew sa may pader at napapikit na lang.


Inilibot ko muna ang mata ko sa paligid. Maliit liit din ang janitor's room pero hindi siya ganun kaliit. Makakagalaw ka naman dito kahit papaano.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon