CHAPTER 33 - Return

60 7 0
                                    

Woooh! Sorry kung ang tagal ng walang update! Nireread ko kasi siya dahil nakalimutan ko na yung story. Heheheheheheheh. anyway, merry christmas at happy new year sa lahat!

~~~

Lumabas muna ako sa playground at tama nga ang hula ko't nakita kong nandoon yung babaeng nakausap ko nung isang araw.

Nakatayo lang ako doon nang masulyapan niya ako. Inaasikaso niya kasi yung mga batang naglalaro sa playground.

Nagulat naman ako nang mapansin niya ako dahilan para kawayan niya ako kaya kinawayan ko rin siya. Nakita ko naman siyang nagpaalam yata sa mga bata kaya iniwan niya muna iyon at saka siya lumapit sa akin ng nakangiti.

Ngumiti rin ako sa kanya.

"Uy, nandito ka pala uli?" Mahinahon niyang tanong habang nagpupunas ng pawis.

"Oo eh. Si Drew kasi nagyaya dito at kakausapin niya raw yung lolo niya."

Halatang nagulat yung babae at parang lumiwanag ang mukha niya.

Para siyang nakatanggap ng balitang nanalo siya sa lotto.

Somewhat, I felt relieved.

Siguro, dahil sa wakas eh may lakas na rin si Drew na kumausap sa lolo niya.

"T-talaga? As in? Yung totoo? Weh?"

Napangiti na lang ako sa reaksyon niya. Ganun ba ka-selfish si Drew noon? Na hanggang sa paglaki niya eh mas pinili niyang lumayo sa lolo niya at sa mga taong malalapit sa kanya?

Pero kung ganun... hindi ko makikilala si Drew.

Uhm.. ano ba itong mga pinagsasabi ko?

Nakita ko naman siyang napabuntong hininga.

"Sa wakas naman... ilang taon ding ninais at nagmamaktol yung lolo niya para lang makausap niya uli ang apo niya. Pero... ewan ko kung yun lang ba ang dahilan kasi... dati nung makausap ko siya, may binaggit siyang puno. Ewan ko kung ano yung sinasabi niyang puno. Naguluhan nga rin ako eh. Pero siguro naman, nabawasan na yung lungkot niya dahil nakausap na niya si Drew."

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Pero wait.. puno? Ano namang connect nung puno sa apo niya?

Naguguluhan din ako.

"Pero sa tingin niyo po ba, magiging maayos na ang lahat after ni Drew kausapin ang lolo niya?" Tanong ko naman sa kanya.

Bigla na lang ngumiti yung babae, " Oo. Pero hindi ko alam kay Drew. Sa kanya rin nakadepende kung magkakaayos sila."

***

Nakaupo ako ngayon sa may sofa sa malaking living room na nadaanan ko kanina.

Hinihintay ko na lang si Drew.

Kamusta na kaya sila ngayon? Maayos na kaya?

 Sana naman maayos na silang dalawa.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon