CHAPTER 15 - Music

161 10 1
                                    

Nagising nalang ako sa pag tunong ng alarm clock ko at tamad-tamarang hinanap ko ang bagay na tumutunog sa gilid ng kama ko.

I tapped all things on my side table and luckily, i found it. At sa walang pasabi-sabi, naihagis ko tuloy yung alarm clock ko sa may wall sa left ko habang nakasalampak pa rin ako sa kama.

Nakarinig ako ng mga apak ng paa na halatang nagkakarerahan pero hindi ko iyon pinansin.

I just continued my sleep. Pero habang tumatagal, palakas ng palakas ang mga yagabag at parang lumilindol sa kwarto ko.

Hindi ko pa rin ito pinansin, bagkus ay itinaklob ko yung napakalambot kong kumot sa ulo ko then I heard the door slam.

Are they mad? Pwes, ako mahal ko pintuan ko.

"ATE! ATE! WHAT WAS THAT NOISE?!?!"

"Miss Serene?! Are you harmed?! Is that the f*cking ninja again?!" 

Padabog kong inalis ang kumot sa pagkakatalukbong sa mukha ko pero nakapikit pa rin ako at hindi umaalis sa pwesto. Medyo tumahimik ng onti kaya parang naging suspicious ang mga nag-invade ng kwarto ko.

Minulat ko muna ang left eye ko at inangat ang ulo ko to see them. At gaya nga ng kanina ko pa pinepredict, pareho silang nakanganga sa kaliwang side ko.

And I just heard Drew said a bad word na lalong nagpagising sa akin.

I followed their sight and opened both my eyes. Saka ko lang narealize na nakatanaw pala silang dalawa sa mga nagkalat na pieces ng alarm clock kong binato sa pader. Pero bigla akong napabangon nang malaman kong nandito pala si Sariah.

O-oh..

"Ate.." bigla akong napatingin sa kanya at kita ko ang paniningkit ng mga mata niya. Napaiwas kaagad ako ng tingin because she was looking both at my eyes.

Pero imbis na sa iba ako tumingin, napako ang tingin ko sa suot niya.

Pinuntahan ni Sariah ang nasirang alarm clock ko then she kneeled down beside it at ready to cry na siya sa nakita niya na parang isang batang namatayan ng daga.

Kulang pa ng background music, Sariah.

"Napaka mo, Ate!" Hayan na. "Kabibigay ko lang sa iyo nito, sinira mo na kaagad! Clock Murderer!" Ngumawa ng ngumawa si Sariah doon at pinulot niya isa isa ang mga broken pieces ng alarm clock. Hindi naman siya nabasag pero naghiwa-hiwalay ang mga parts nito at nangawala na rin ang mga turnilyo para dito.

Clock murderer?

Natawa na lang ako sa itsura ni Sariah dahil nakanguso siyang tumayo habang hawak hawak ang mga pirasong nagkalat at tinitigan ako ng parang isang chakadal. Then she acted likeshe was about to cry but look at her face! Narinig ko ring tumawa si Drew dahil sa akto ni Sariah.

"Psh. Sariah, you're no good actress and can you be more serious next time when you're wearing matching dora footsie pajamas?" Tapos nagpigil kami ni Drew ng tawa.

Pero hindi rin nagtagal, we burst into laughter.

It may sound offensive kaya ewan ko nalang kung ano reaction ni Sariah sa kalooblooban niya pero ayoko naman siyang magalit dahil kung magalit iyan, new movie na ng Amazona attack of the godzilla earthquake tsunami.

"Hmp! Ewan ko sa 'yo ate! Hindi na kita bibigyan ng alarm clock! "

Dumiretso na siya palabas ng kwarto ko pero dinaanan niya muna yung trash can ko sa may gilid ng pintuan at itinapon doon padabog ang alarm clock parts. Then she walked out.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon