CHAPTER 20 - Goals

135 10 0
                                    

Natulog na muna ako sa kwarto ni Drew at gaya nga ng sinabi niyang babantayan niya ako, he didn't break his words.

He left me in bed and he said he'd stay at the mini couch in his room at doon siya matutulog. Gabi na at hindi pa rin ako mapakali sa nanakaw kong kwintas.

Nakaupo lang ako sa kama niya habang nag-iisip ng kung anu-anong bagay na pwedeng mangyari pag  nawala sa akin yun. I just don't understand why and what does that ninja want from me.

Everything has a reason. Everything happens unexpectedly, but there is a truth lying behind everything.

Gusto kong malaman kung ano 'yun.

Nung una at umpisang nangyari sa akin ito, halos wala akong kinakausap. Wala akong ginagawa kung hindi nakatunganga sa bahay o kaya nag-aaral.

And that happened, the day after my birthday. I don't know what happened then but the day after that incident.. i discovered in the news that.. no more dad.

Gusto ko ng motibo. 

Pero hindi ko alam kung paano.

"Miss Serene?" I saw a light shining through the door. I glanced at the door to find Drew's head peeping behind it. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

 Hindi muna siya nagsalita kaya habang naghihintay ako ng sasabihin niya bilang sagot sa pagtaas ko ng kilay, tiningnan ko muna yung alarm clock niya sa gilid ng kama at nakita kong 8:47 na ng gabi.  

I usually sleep at 9 o'clock sharp kaya medyo mabigat na ang mga mata ko sa ngayon. Feeling ko nga eh pwede na akong magshopping sa eyebags ko.

" Please go to sleep."

Nung sinabi niya 'yun parang bumigat ang pakiramdam ko... 

Drew...

I'm scared to sleep alone.

"O-okay.."  na lang ang sagot ko kahit sa totoo lang, ako mismo ang tatalon mula sa third floor para lang makaalis dito sa madilim na kwarto niya.

But I can't actually ask him to stay?

I know may ginagawa siya at hindi ko naman siya pwedeng hatiin. Kahit naman bodyguard ko siya na nagsisilbing butler eh may mga kailangan din siya.

At may pakelam ako dun.

I layed down on Drew's bed. Kahit medyo naiilang ako dahil hindi naman talaga ito ang usual na hinihigaan ko.

I must admit, his bed is soft and not lumpy pero.... i don't know why am I feeling uncomfortable.

Nagtaklob na ako ng kumot hanggang ulo dahil nagsasayawan ang mga balahibo ko sa katawan. His room is fully air conditioned and I don't really like cold temperatures.

51st BODYGUARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon