Nag-ikot na kami ng Drew after namin bumaba galing sa sasakyan sa parking. I don't know why but I felt like I was going to vomit.
I know that ride is not that dangerous but I still feel nauseous.
Pasimple pa akong kumuha ng candy sa pocket ko at sinubo ko 'yon. Pero syempre, hindi ko pinahalata sa kanya.
Kakapasok pa lang namin sa loob ng SM, sumakay kami kaagad ng elevator para makababa. Since nasa second floor kasi kami, at nasa baba ang supermarket. And that made me think. Bakit nga ba hindi kami nagpark sa baba na lang?
Puno nga ba or gusto niya lang talaga sa second floor.
Nang makababa na kami, dumiretso na kami sa supermarket. And once again, i feel like taking a diagnostic test.
I forgot that maid's long list of things to buy.
Bakit ba sa lahat ng pagkakataon ay ngayon pa ako naging makakalimutin.Ang haba kasi ng sinabi nung maid at bakit ba hindi ko sia nilista? Nagmamagaling yata akong magmemorize.
Bahala na nga! Basta kung ano na lang ang makita kong madalas na nakikita ko sa bahay, yun na lang ang pupulutin ko.
I let Drew carry my bag and of course, push the cart. I said I will pick what to buy. At least let him help. Nauna muna kami sa babies section. I mean puro diapers and--
Umalis na kami kaagad doon dahil sa nagpumilit ako at hinila ko kaagad si Drew palabas ng section na iyon.
Ewan ko ba. Ano ba ginagawa namin doon eh wala naman kaming kailangan sa mga baby. Pero nang makakita ako ng mga ganung kagamitan ay parang naninikip ang dibdib ko. I don't like that feeling and I don't like what I was remembering.
Napadpad kami sa mga noodles area. I remembered something that my mom likes eating noodles so, pwede ko naman siyang uwian. At alam kong Pancit Canton ang paborito niya.
Lalo na yung maanghang. Kahit na mayaman si mommy, mas prefer niya daw ang mga pagkain na ganito.
Kumuha ako ng sampung pack ng noodles na maanghang at sampu naman sa hindi maanghang. I want to taste it somehow.
Kung masarap ba siya or hindi or mapait or maasim or lasang tae.
Napunta naman kami sa may section ng vegetables at fruits. Kumuha na ako ng mga prutas dahil alam kong mahilig din si mama dito.
Kaya kumuha ako ng isang kilo ng apple, orange, grapes at pear. Then I got some different vegetables. Napakarami na nga eh, i think mapupuno na ang cart namin.
Nakabili na rin kami ng mga soap, shampoo, powders para sa panglaba at kung ano ano pang kailangan sa bahay.
Minadali na rin namin dahi sa tanghali na at bibiyahe pa kami pauwi at malamang ay traffic niyan. We still have school tomorrow so we have no choice but to hurry up so we don't get late for dinner.
Nang maibayad na namin ang lahat, inilagay na uli namin iyon sa cart at iyon ang ginamit sa paglabas sa parking lot. Umakyat na uli kami gamit ang elevator at lumabas na ng parking lot.
BINABASA MO ANG
51st BODYGUARD
حركة (أكشن)Completed || Serene Dowelle suffers from her personality from which she wanted to change ever since her anxiety made her aware of what others think of her. Walang nakakaalam kung bakit nag-iba ang pakikitungo niya sa ibang tao-- at w...
