*AUTHOR's POV*
Hehe.
Alam nyo na.. sumasideline din pag may time. XD
So, dahil nga busy sa paglalandian sina Jeremy at Psyche, ako muna ang magna narrate ng kabanatang ito.
*serious mode activated*
Naiiritang tiningnan ni Millicent ang relo. Ilang minuto nang wala ang kanyang bestfriend at ewan din niya kung asan na ang kanyang kuya na nagpaalam na bibili lang daw
ng kung ano.
"Uhh.. alam mo ba kung nasan sina kuya?"nahihiyang tanong niya sa lalaking kasalukuyan ay nasa harapan niya.
"Do I look like a lost and found counter?" Malamig na wika sa kanya ng binata at muling ibinaling ang tingin niyon sa pagti text.
Natigilan naman siya sa sinabi nito. Sa ibang pagkakataon ay baka nasapak na niya ang binata.Ngunit ngayon, pinili na lamang niyang manahimik. At kunwari ay inabala ang sarili sa strawberry frappe na inorder niya kanina.
Ngunit hindi niya mapigilan ang sariling pagmasdan ang binata. Jigs Vincent Cruz...ang lalaking pinagkasundo sa kanya ng mga parents niya five years ago
.Ang lalaking school nerd...lampa at introvert. Ang lalaking hindi niya noon magustuhan kahit effort na effort ito sa panliligaw sa kanya.
He courted her for almost a year; giving him flowers, chocolates, bears and almost everything.Pero hindi niya ito makuhang magustuhan. Dahil na rin siguro sa pagiging baduy nito noon, hindi kaagwapuhan at tadtad pa ito ng pimples.
Lagi pa nga itong nabubully noon at dahil nililigawan siya nito, nadamay narin sya sa panunukso.
Ngayon...
Muli siyang napatitig sa lalaking nasa harapan.
Gone is the weird, nerd looking Jigs Vincent Cruz.
What sits there in front of her now is a man giving justice on the word " Perfect".Napakakisig nito ngayon. His body is quite well built, napakabango at naguumapaw sa sex appeal. Sa katunayan nga ay pinagtitinginan ito ng mga babae sa paligid nila. May iba pang pasimpleng kinukuhanan iyon ng litrato.
Ngunit hindi iyon pinapansin ng binata. Tila ba wala iyong pakialam sa mundo.
At ang masakit ay tila rin wala na itong pakialam sa kanya.
'Vince... Mahal mo pa kaya ako? Gaano ba kalaki ang pinagbago mo? ' hindi maiwasang tanong niya sa sarili.
Wari bang narinig ng binata ang isipan niya dahil sa wakas ay iniangat nito ang paningin at tumingin sa kanya.
"Thinking about something, Millicent?" wika nito sa kanya at ngumiti ng pang uyam.
Lalo siyang nagitla sa binata at napatanga rito.
Vincent five years ago never showed him that insulting sneer. Laging masaya, malambing at puno ng pagmamahal ang mga ngiti nito sa kanya noon. Ngunit ngayon?
'Gaano pa karami ang nagbago sayo, Vince?' piping tanong niya sa isipan at napayuko.
Hindi na ito ang Vincent na nakilala niya at nagmahal sa kanya.
Five years...
Ang dami na palang nagbago.
Hindi na siya kumibo pa.
Ilang minuto pang katahimikan ang namayani sa kanila nang maputol iyon nang biglang tumayo ang binata at kinuha ang kamay niya.
Nabigla naman siya sa ginawa nito. Ngunit ang mas ikinabigla niya ay ang kakaibang sensasyong naramdaman niya sa hawak nito. Para siyang nahawak sa live wire at na ground.
"Let's get you home." malamig na wika nito sa kanya at bago pa siya nakaimik ay nahila na
siya nito palabas ng restaurant.
"H---huh? T--teka! Si kuya at si best----" nauutal-utal na tanggi niya rito.
Malamig na tingin ang binigay nito sa kanya.
"Don't worry about them. You should go home and take a rest."
Wala na siyang nagawa kundi ang magpahila na rin dito. Tama naman kasi ito. She needed rest lalo na at pagod ang katawan niya sa byahe.
Tahimik.
Walang kibo ang binata habang binabagtas ng bagong-bagong kotse nito ang daan patungo sa kanila.
Hindi man lang siya nito kinakausap. Para bang hindi siya nito nakikita o nararamdaman man lang ang presensya niya.
Tumikhim siya ng mahina at sinubukan itong kausapin.
"It's been five years... Kumusta ka na Vince?"
Tiningnan lamang siya ng binata at muling ibinalik ang pansin niyon sa pagmamaneho.
STAB.
Nakaramdam siya ng sakit. Five years ago, Vincent never even for once snobbed her.
He was always eager for her attention. But the Vincent now simply doesn't give a damn on her. Like she is nothing but an invisible air.
''Vince, hindi mo man lang ba ako kukumustahin?"
Hindi mapigilang tanong niya rito. Nararamdaman niya ang luhang nangingilid na sa kanyang mga mata. Kahit papano naman kasi noon ay nagkaroon din ito ng puwang sa puso niya.
She may never loved him as a man. But she did love him as a friend.
She waited for his response only to feel millions of needles stabbing her heart upon hearing his answer.
"And why would I, Millicent? Do I care about you?"
**************************************************************************
CENCIA NA PO KUNG MADRAMA!
ASAHAN NYO NANG SERIOUS MOOD TAYO KAPAG AKO ANG NARRATOR XD
Awww.,poor Millicent! Kararating lang ng Pinas, BH na agad XD
Censia na~ Nakakatol lang si Author :D
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]
RomanceAng akdang ito ay rated SPG. Striktong patnubay ang kailangan sa mga batang mambabasa. GARANTISADONG may maseselang eksena, sekswal, karahasan, kagaguhan, murahan at trolling na hindi angkop sa mga ISIP BATA. STORY BY : Chennieberries COVER BY :...