S M S G - 17

2.7K 43 7
                                    

*Author's POV*


"Are you ready?"  agad na tanong ni Jeremy nang sunduin niya ang dalaga sa unit nito. 

Psyche looked perfect. With her red and black gown and night make up. Mapagkakamalan itong model sa ganda at shape ng katawan nito. Every man's dream..sabi nga nila. 

But of course, Jeremy doesn't care. Wala syang pakialam, kahit pa aminado talaga siyang napakaganda ng dalaga. 

"You look gorgeous." he told her, feeling that it is his responsibility to compliment Psyche bilang ito ang date niya.

Iniabot niya rito ang kamay niya upang alalayan ito. Tinanggap naman ito ng dalaga. 

"Thanks." Psyche said and showed him her gorgeous smile. He smiled back, and said nothing more.

It took them two hours bago sila makarating sa venue ng party.  Bukod kasi sa traffic ay kailangan pang magpa gas ng binata kaya naman eight pm na ng pumarada ang black Mercedes ng binata sa tapat ng The Fort kung saan ginaganap ang party ni Millicent.

Nagkakaingay na sa paligid at punong-puno na iyon ng mga tao. Mapa kilala man niya ng personal o hindi. Marami ding business partners ng mga magulang nila ang naroroon na kung sinu-sino ang mga ito ay hindi niya kilala at wala siyang pakialam.

Hawak niya ng mahigpit ang kamay ng dalaga habang papasok sila ng venue. Halos lahat ay napapatingin sa direksyon nila. Bakit nga ba hindi? A god and a goddess combined. Perfect combination.

But Jeremy simply didn't give a damn. Dahil habang pinagtitinginan sila ng mga tao ay sa iisang tao lang nakapako ang mga mata niya.

To that someone his heart all cares for. 

She is goddamn gorgeous tonight and he felt like stabbing the eyes of those boys around her na titig na titig rito.

And because he simply had eyes for only one person.. hindi niya napapansing napapatingin na rin pala si Pysche sa babaeng tinititigan niya. 

She knew it.  That girl captured his heart at ewan niya kung bakit parang ang sakit sa dibdib ng lahat. Nababaliw na ba siya? 

'No.. It isn''t the end yet. This is just the beginning.' she thought to herself habang nakatitig rin sa babaeng karibal niya sa puso ni Jeremy.

"KUYAAA!! Bakit ang tagal nyo?" her thoughts were cut short nang patakbong lumapit sa kanila si Millicent. 

Napatingin siya rito at niyakap ito. " Hi, Bestie! You look perfect!" aniya.

Millicent hugged her back, " Thank you Bestie! You too!" sagot naman nito bago bumaling uli sa kuya nito na nakapako parin ang tingin sa babaeng iyon.

"HOY, KUYA! Sino ba yang tinitingnan mo, ha?" 

Wari namang nagising sa realidad ang binata at napapakurap pa ito ng matang napaharap sa kanila. 

"Ha? Ano yun?Gwapo ako? Thank you." mayabang na sabi nito. 

Napailing-iling naman si Psyche. Hanga na talaga siya sa binata. Kahit halata namang nagulat ito ay nagawa pang magyabang.

"Tss.. Welcome Party ko kuya. Pero nagawa mo pang magsinungaling." sagot naman ni Millicent at dumila rito bago hinawakan ang kamay niya.

"Bestie! Tara dun sa pool! Andun si Tiffy!" yaya nito sa kanya at hinila na siya patungo sa pool. Hindi na siya nakatanggi pa. Kayat naiwang mag isa ang binata.

"Hoy! Ibalik mo yang girlfriend ko, ah?!" pahabol pa ng binata sa kanila. And Psyche felt her cheeks flushed. Kahit alam niyang hindi naman sincere si Jeremy sa sinabi nito.

"Don't worry, kuya!" sagot naman ni Millicent.

*****************************************************************

*Dave's POV*

"Ate Naz! Breathe! Wala syang ginawang masama sa akin, okay?!" awat ni Kislap kay unanong bansot na kasalukuyang minumurder ako.

H.E.L.P M.E!

"Anong ginawa mo sa kapatid ko at bakit magkasama kayo ha Dave?! SAGOT!" sigaw pa sa akin ni unanong bansot habang patuloy niya akong kinakarate chop.

Kanina pa sya ganyan. T.T

Malay ko ba kasing magkapatid sila ni Kislap diba? Kaya pala pareho silang sadista. Bakit nga ba hindi ko napansin yun?! Edi sana nakaiwas ako dito sa massacre na to!

Kanina pagkapasok namin dito sa venue na puno ng lalaking mas gwapo pa ako ay agad akong hinila ni Kislap patungo dun sa isang sulok  tapos sabi niya ipapakilala daw niya ako sa ate niya. Nakita daw nya kasi rito.

Tapos.. yun na nga. Laking gulat at pighati ko nang makita kong si Nazrah pala yung ate niya na ipapakilala  niya sa akin. 

Pagkakita palang sa amin ni Nazrah ay agad niyang dinakma ang tenga ko at agad na pinihit sabay demand na bakit ko kasama ang kapatid niyang si Kislap.

"A-aray! Naz! Tangena! Asawa--ay este kaibigan ko sya!" sabi ko naman. Ngayon, naramdaman ko na kung ano ang nararamdaman ni Jeremy tuwing sinasadista ng bansot na to.

"ASAWA?!" sa lahat ng sinabi ko ay yung word lang na ata na yun ang nagregister sa utak niya. Lalo tuloy niyang nilakasan ang sapak sa biceps ko.

Pinagtitinginan na kami rito ng mga tao. Buti nalang nasa sulok kami at kilala kami rito kundi napalabas na kami ng venue.

Wala man lang bang aawat? 

"Hoy, Kislap! Tulong! Ba't kasi di mo ko winarningan na ito palang bansot--I mean si Naz pala ang ate mo!" baling ko kay Kislap na nakangiti pa habang pinapanood ang kamatayan ko. 

"Nagtanong ka ba?" maikling sagot niya.

"Ibig mong sabihin.. alam mong magkaibigan kami ni Bans--Nazrah?!" halos di makapaniwalang tanong ko sa kanya. 

Hindi naman siya sumagot. Sa halip ay tumalikod lang at nag akmang aalis.

"Hoy! Tangena! Help muna rito!" tawag ko sa kanya. Humarap siya saglit sa akin at nag flying kiss pa bago lumayas na ng tuluyan. Makikiparty na ata sa iba yun.

Susunod sana ko pero hinila ako ng malakas ni Nazrah. Napaharap ako  sa kanya at kitang-kita ko ang nakakunot niyang noo.

"I'm asking you. Bakit kayo magkasama ng younger sister ko? Are you dating her?" seryosong tanong niya at pasalamat ko ay huminto na siya sa pagpatay sa akin.

"I'm not dating her...." sagot ko habang nakatingin din ng seryoso sa kanya and added in an undertone, " yet.." 

**********************************

A/N :

ShOrt Ud.

Mianhae guyth. Kainis kasi yung keyboard ko ngayon. Ang tigas. T.T

Bawi next Ud.

Kamsahamnida <3

SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon