S M S G - 47

1.5K 28 5
                                    


"A- alam mo ang lahat...simula palang?" nanghihinang napaupo akong muli sa kama. Hindi...hindi totoo ang lahat ng to. Hindi nya ako kayang saktan at lokohin. Hindi nya to magagawa sa akin... Isang malaking biro lang ang lahat.


"Lahat. Alam ko ang lahat. To tell you the truth, kasama ako sa mga nagplano ng lahat. I and Jeremy planned all of these. Nakakalungkot lang malaman na ang tanga tanga mo pala. Ang dali mong utuin...ang dali mong paikutin! Ang dali-dali mong maniwala! At higit sa lahat...ang dali mong pabagsakin." Nakatayo siya sa harapan ko at nakangiti.

Nakangiti...

Habang nahihirapan at nasasaktan ako. Ano bang ginawa kong masama para maranasan ko ang lahat ng ito?

Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko. My hands formed into fist...at kasabay nun ay ang matinding galit. Galit na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko. Minahal ko sila...minahal ko siya pero niloko lang pala nila ako.


Hindi ko na napigilan pa ang sarili. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa mukha niya.

Sa mukha ng bestfriend ko.

Sa mukha ni Millicent.

PAK!

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.


Limang malalakas at puno ng hinanakit na sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya. Naramdaman ko ang paghapdi at pagmanhid ng palad ko pero wala pa yun sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Napabiling ang mukha niya sa lakas ng mga sampal na pinakawalan ko.


"Bestfriend kita. Akala ko totoong bestfriend kita. Oo...inaamin ko. Inaamin kong may malaking kasalanan akong nagawa sayo. Alam kong nasaktan kita. Alam kong hindi ko na dapat pa nilihim ang lahat ng ito. Alam kong----"


Pak!

Napabiling ako sa sampal na natanggap ko mula sa kanya. Malakas...pero bakit wala akong maramdaman?


"Alam mo?! Anong alam mo bukod sa inagaw mo ang boyfriend ko?! Nilihim mo pa sa akin?! Alam ko ang lahat sa simula palang! Ano pa ang alam mo?! Ano pang alam mo bukod sa pang aagaw mo sa boyfriend ko ay ikaw pa ang may dahilan kung bakit namatay sya?!" sigaw niya sa akin. Kitang-kita ko ang sakit na nararamdaman niya...ramdam ko. Pero hindi sapat ang lahat para gawin niya sa akin ito.


"Hindi ko----"


"Hindi?! Anong hindi?! Hindi mo sinasadya?! Ang alin?! Ang agawin ang boyfriend ko o ang pagkamatay niya?! " Muling putol niya sa sinasabi ko. Marahas niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na napatakip sa mukha niya at muling nagsalita, "Pero alam mo...hindi naman yun ang dahilan kung bakit nagawa namin to ni Jeremy sayo eh. You know why?"


Pakiramdam ko ang huminto ang mundo. Nakikiramdam ako sa sasabihin niya sa akin... Gusto kong malaman kung bakit at kung ano ang dahilan ng mga ginawa nila sa akin. Hindi ko narin alam kung masasaktan pa ako sa mga maririnig ko. Sa sobrang sakit... namanhid na yata ako. Wala na akong maramdaman kundi galit. Galit dahil naging totoo ako sa kanila. Galit  dahil minahal ko sila...Galit dahil pinahalagahan ko sila. 


Pero bakit ganun? Kahit gusto kong malaman...bakit ayaw kong marinig? Ayaw kong marinig ang mga paliwanag niya? 


Hindi ako kumibo. Sa halip, nakita ko nalang ang sarili ko na tumalikod at lumabas ng pinto. Ayaw ko na syang makita pa. 

Tuloy-tuloy akong nakalabas ng bahay na iyon. Ngunit nang makarating na ako sa tarangkahan ay nakita ko sya. Nakangiti sa akin.... ngiting hindi pala totoo.

Patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Gusto ko rin siyang yakapin pabalik pero kasinungalingan lang ang lahat. Itinulak ko siya ng ubod ng lakas.

Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya. Ang pinakamalakas na sampal na naibigay ko sa tanang buhay ko. Ang pinakamasakit na sampal na kaya kong ibigay.

Muntikan na siyang mabuwal sa ginawa ko at kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya. 


"G--girlfriend..bakit?" naitanong niya sa akin.


Nginitian ko siya. Malawak na ngiti. "Tapos na, Jeremy. The game is over."


Bago ako tuloy-tuloy na lumabas ng tarangkahan...kasabay ng pagbalik ng lahat ng sakit na naramdaman ko. Nawala lang pala saglit para lang mas dumoble pa. Ang sakit-sakit...

Gusto kong tumakbo pabalik sa kanya.

Pero tapos na.

It's GAME OVER.


****************

NEXT UPDATE <3










SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon