THIRD PERSON'S POV
"Nazrah, alam mong hindi gusto ni Jeremy na gawin to..hindi ba?" mahinahong wika ni Jigs kay Nazrah na noo'y nakakunot ang noo sa inis.
"Hindi nya gusto? I know Jeremy more than anyone of you do." paasik na sagot naman ng dalaga. Tila nagpapaawang nilingon ni Jigs si Rhidge na noon naman ay tila walang pakialam na patuloy lamang sa paglalaro ng chess kasama ang isang babaeng napag alaman nilang katulong nito.
"Eh! Boss monster naman eh! Ang daya mo! Bat mo kinain ang bishop ko?" narinig pa nilang reklamo ng babaeng kalaro nito.
Rhidge just smirked and said, "Checkmate."
"Ha?! Ano? Pano yun?!" reklamo uli ng babae.
"Rhidge! Pwedeng patulong naman dito? Di ko kaya mag isa tong bansot na to eh!" Di nakatiis na paghingi na ng tulong ni Jigs habang masama ang tingin kay Nazrah.
Tinawanan lamang siya ni Rhidge at walang pasabing hinila nito paalis ang dalagang kalaro nito.
"Hoy! Rhidge! Pakyu ka talaga! Madapa ka sana!" iritadong sigaw niya rito. Ngunit nakalabas na ang mga ito at hindi na siya narinig pa.
Napatadyak nalang siya sa isang silya sa inis bago muling hinarap si Nazrah na magkasalubong parin ang kilay magpa sa hanggang ngayon.
"Hindi dapat yun ginawa ni Jeremy. Psyche is a woman..and I'm a woman too.Alam ko kung gano kasakit ng ginawa niya." wika nito habang nagpipigil ng inis.
Bumuntong hininga naman siya bago ito sinagot."Hindi yun ginusto ni Jeremy. Mahal niya si---"
"I know Jeremy! Kung hindi nya gusto...hindi nya gagawin! Pero look what he did?! He hurt Psyche! I gave up on him dahil I thought he'll have a happier ending with her! I gave up my feelings for him!Kasi akala ko magiging masaya sila! Kasi akala ko sila ang para sa isa't isa! I sacrificed para lang sa wala?!" halos maiyak na putol nito sa sinasabi niya.
Napanganga naman siya rito. The impossible happened. May feelings si Nazrah kay Jeremy? Paanong nangyari? Bakit hindi nila alam?
Ilang minuto pa siyang napatanga. Pakiramdam niya ay narinig niya ang pinakamalubhang at pinakaeskandalosong propesiya sa buong mundo. Si Naz..may gusto kay Jeremy? Tsk. End of the world na nga yata talaga.
"W--what do you----" nauutal na simula niya ngunit nawala na ang dalaga sa harapan niya. Napalingon siya sa pintuan at nakitang palabas na ito.
"H--Hoy! Nag uusap pa tayo, right?!" di makapaniwalang wika niya.
Hindi na siya pinansin pa nito at tuluyan nang lumabas ng kwarto kung saan naroon sila.Napailing nalang siya. Nagkagulo na ang buhay nilang magbarkada.
Naisip tuloy niya kung paano na kaya sila ng kapatid ni Jeremy....si Millicent.
Samantala, masama ang loob na lumabas na ng kwarto si Nazrah. Hindi niya lubos maisip kung bakit pinagtatanggol pa ng mga kaibigan nila si Jeremy. Sa pagkaalam niya, sobrang mali ng ginawa nito. Inaamin niyang lubos siyang naaapektuhan sa nangyari. Sinuko niya ang nararamdaman tapos ay bigla nalang iiwan ni Jeremy si Nazrah? Pakiramdam niya ang nasayang lang ang lahat ng luhang iniyak niya para rito.
Isinusumpa niya sa sariling masusuntok talaga niya ang binata kapag nakita niya ito.
Naglalakad-lakad nalang siya habang napapabuntong hininga sa inis na nararamdaman. Mahaba rin ang kanyang nilakad nang mapansin niyang nasa isang parke na pala siya. Kaya naman ay naisipan na niyang maupo muna at pagisipan ang gagawing pagpatay kay Jeremy.
Nagpalinga-linga siya sa paligid upang makahanap ng bakanteng bleacher. Matao rin sa parke sapagkat araw ito ng Linggo. Marami ring mga batang nagtatakbuhan sa paligid habang may iilan namang pinipitas ang mga dilaw na bulaklak sa gilid kahit pa nakalagay doon na bawal pitasin ang mga bulaklak.
Napailing-iling siya. Bakit ba ang tao hindi marunong sumunod sa mga simpleng patakaran? KUng marunong lang sana sumunod ang lahat ay pihadong mas magiging mabilis ang pag unlad ng Pilipinas.
"San ba may bakante?" tanong niya sa hangin. Pumihit siya patalikod at di namalayang may tao pala sa likuran niya kaya naman, bumangga siya rito.
Blag!
Napaurong siya sa lakas ng pagkabangga. Mabuti na lamang ay malakas ang kanyang balanse kundi ay napahiga na siya sa damuhan.
"Aray!" daing niya at agad na napasapo sa nabanggang noo.
"Sorry, Miss. I didn't see you." anang baritonong boses.
Napaangat siya ng ulo at agad na nagpamewang. Kanina niya pa gustong masapak ang lalaking nasa harapan niya. "Ikaw na Jeremiah ka! Hiniwalayan mo na nga si Psyche, NANGBANGGA KA PA!" sigaw niya.
At bago pa nakailag o nakasagot man lang ang lalaki ay umigkas na ang kanang kamao niya at dumapo sa pisngi nito. Napatumba ito sa lakas ng suntok niya.
"Agghh! Miss! Why did you punch me?!" di makapaniwalang sigaw nito sa kanya.
"Pa why did you punch me ka pa dyan! At anong miss?! Iniwan mo lang si Psyche, nagka amnesia ka na?!" gigil na duro niya rito.
Halata naman ang pagkalito sa mukha nito. Parang sinasabing nababaliw na siya at hindi siya nito kilala.
"I don't know you." medyo napipikon nang wika nito at tumayo na mula sa pagkakatumba. Nakakunot ang noo nitong hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"Don't know me?! Aba! Ano? Naalog ba yang utak mo, ha? Jeremiah?!" galit at hindi makapaniwalang tanong niya rito.
Napakibit balikat ito at hinarap siya. "Seriously, miss. I don't know you. My name isn't Jeremiah. "
"Eh?" ang nasabi na lamang niya habang nakatingin rito. Si Jeremy ang nasa harap niya...pero teka---kelan pa naging mahaba ang buhok ni Jeremy? Di kaya naka wig?
"I'm Ares. Ares Park." nakangiti nang sabi nito at inilahad ang kamay sa kanya.
Hindi siya makagalaw. May kambal ba si Jeremiah? O pinagloloko lamang siya ng kaharap?
Ares Park....bakit parang pamilyar sa kanya ang pangalan nito?
***************
Author's Note :
Sorry po kung ngayon lang na update :'( May pasok na po kasi sa school. Busy po. By the way, ARES PARK po pala sa multimedia :D
Aha! Long haired Chanyeol so hot XD
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]
RomanceAng akdang ito ay rated SPG. Striktong patnubay ang kailangan sa mga batang mambabasa. GARANTISADONG may maseselang eksena, sekswal, karahasan, kagaguhan, murahan at trolling na hindi angkop sa mga ISIP BATA. STORY BY : Chennieberries COVER BY :...