*THIRD PERSON'S POV*
"Kislap, bakit ang ganda mo ngayon?" nakangiting lambing ni Dave sa dalaga na noon ay nakatalikod sa kanya at nagpi prito ng bacon.
Niyakap niya pa ito mula sa likod at isinandal ang ulo sa balikat nito.
Napairap naman ito at nakakunot ang noong hinarap siya. " Dave, utang na loob, tantanan mo ako. Kung akala mo sasama ako sa gig nyo mamayang gabi dahil dyan sa pambobola mo...I tell you, you're wrong. So, get your hands off my waist kung ayaw mong ilubog ko yan sa kumukulong mantika."
"Pero, Kislap! Kailangan ko ng moral support! Diba bestfriends tayo?" pagmamakaawa pa niya rito bago hinigpitan ang yakap sa bewang nito.
Lingid sa kanya, nakaramdam ng di maipaliwanag na inis at disappointment si Shine. Bestfriends...parang ayaw niyang marinig pa uli ang salitang iyon. Nakakasikip sa dibdib.
Napahigit siya ng hininga at napailing. Hindi maaari...this needs to stop.
" Kfine. Basta siguraduhin mo lang na matutuwa ako sa performance mo. Kung hindi...ibo broadcast ko sa mga babae dun sa bar na nagsusuot ka ng pink pajama." pagpayag narin niya rito. Wala naman kasi siyang choice kasi alam niyang kahit ano namang tanggi niya, mapapapayag at mapapapayag parin siya ng binata.
"Yes! Thank you, bestfriend! Ang ganda mo talaga!" natutuwang wika naman ng binata at nagsusuntok pa sa ere.
Matapos ay patalon-talon na niyakap siya lalo nito ng mahigpit.
'Sige, Dave. Pagdiinan mo pang bestfriend mo lang ako. Pagdiinan mo pa. Hindi masakit, promise..'
nawika nalang niya sa isipan habang pilit na kumakawala sa mahigpit na yakap nito.
"Ano ba Dave! Bitaw! Papasuin kita!" kunwa'y naiiritang wika niya rito.
"Sus! Kinikilig ka lang sa akin, eh! Aminin na kasi!" asar naman ng binata at lalo lang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
"Conceited! Mandiri ka nga! Panget mo!" wika naman niya at pinaghahampas ito sa braso.
"Ang gwapo ko kaya!" sagot naman ng binata.
*THIRD PERSON'S POV*
"Black King." naibulong ni Jeremy sa hangin nang makita ang laman ng kahon na natanggap niya noong umagang iyon.
Black King Chess Piece.
Kung saan iyon galing ay hindi niya alam. Pero may ideya na siya kung sino ang nagbigay niyon... pero ano namang dahilan ng taong iyon sa pagpapadala nito ng chess piece sa kanya?
Maingat na hinawakan niya ang black King. Gawa ito sa black metal at may mga calligraphy sa base nito . Iisang tao lang ang alam niyang mayroong ganung uri ng chess pieces.
Si Rhidge.
Ano naman kayang problema ni Rhidge at pinadalhan siya ng isang pirasong chess piece?
Hinahamon ba siya nitong maglaro ng chess? Marunong naman siya pero hindi kasing galing ni Rhidge sa paglalaro nito.
Inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa at hinanap ang number ng kaibigan.
Kailangan niyang malaman ang dahilan...
Dahil sa pagkakaalam niya, ang mga taong pinapadalhan ni Rhidge ng black chess pieces...
Ay ang mga taong paglalaruan nito.
Author's Note :
Maikling UD lang po. Dudugtungan ko rin promise. but as of now, may mga accounts na po ang ating mga characters dito sa SMSG.
Be friends with them on facebook. Just copy the link below.
Psyche Samonte : https://www.facebook.com/psyche.samonte.9?fref=tl_fr_box&pnref=lhc.friends
Jeremy Ramirez : https://www.facebook.com/jeremy.ramirez.18488?fref=ts
Dave Mathew Villa : https://www.facebook.com/davemathew.villa
Rhidge Santillan : https://www.facebook.com/scheneizel.castellan?hc_location=ufi
Or Just Join the SMSG family on facebook and click the external link.
https://www.facebook.com/groups/870820529673687/
And SMSG needs character operators.
Please pm me if interested.
THANK YOU <3
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]
Roman d'amourAng akdang ito ay rated SPG. Striktong patnubay ang kailangan sa mga batang mambabasa. GARANTISADONG may maseselang eksena, sekswal, karahasan, kagaguhan, murahan at trolling na hindi angkop sa mga ISIP BATA. STORY BY : Chennieberries COVER BY :...