THIRD PERSON's POV :
{Jeremy at the MM.}
"When are you going to stop pestering Psyche?! You know what? You better leave her alone. Walang ginawang masama sayo ang kapatid mo kung bakit ka nagkaganyan!" sigaw ni Tiffany sa dalagang nakaluhod parin sa sahig at hinahalikhalikan ang chess piece na hawak nito.
Patuloy na pumapatak sa sahig ang sariwang pulang likido na nagmumula sa sugat sa kamay nito.
Agad na napalingon sa kanya ang dalaga. Matalim ang tingin na ipinukol nito sa kanya bago nanginginig sa galit na nagsalita,
"Wala?! Tama ka...Wala nga syang ginawa! Wala syang ginawang kahit ano para kay daddy! Wala syang ginawa para sa pamilya namin! Pero ano? Sya parin ang paborito! Sya ang prinsesa! Sya ang nasusunod! Sya ang sentro ng atensyon...ni daddy, ni lola, ni lolo..ng lahat! Even the family dog! Sya ang mahal! Pero ako? Wala! Walang pumapansin sa akin ! I did everything para mapansin nila ako! Pero si samantha parin ang bida! Si Samantha na WALA NAMANG GINAWA!"
Napapailing na dahan-dahang humakbang siya sa direksyon nito, "Magkaiba ang mga salitang WALANG GINAWANG MASAMA sa WALANG GINAWA. Si Samantha..wala syang ginawang masama sayo para kamuhian mo ng ganyan!"
"Si Samantha...at ang malanding nanay niya ang dahilan kung bakit namatay ang nanay ko! Nagpakamatay ang nanay ko dahil nagpakasal si daddy at ang malanding babaeng iyon! My mom was my daddy's love! Hindi ang punyeta at malanding nanay niya!" malakas na sigaw na ni Zabrina habang hawak ng mahigpit ang chess piece na lalong nagpapadugo sa palad niya.
"Tapos na ang nangyari! Move on!" sagot naman ni Tiffany habang patuloy parin sa ginagawang paghakbang palapit sa kanya.
"Move on?! Do you think I can just move on?! Pag katapos mawala ng kaisa-isang taong nagmahal sa akin?! At pagkatapos ipamana kay Samantha ang halos lahat ng yaman ng mga Kim at katiting lang ang sa akin?! KIM'S PROPERTIES ARE MINE!!! MINE ALONE, TIFFANY!! DO YOU GET IT?!" ngayon ay ibinato na niya ng ubod lakas ang chess piece na naging dahilan ng pagkabasag ng bintanang tinamaan nito.
"Pero si Samantha ang legal na anak ni Mr. Kim!!! Not you, Zabrina...Your mom was just a mistress! KABIT LANG ANG MAMA MO!" malakas at pasigaw na sagot naman ni Tiffany.
Pakk!
Isang malakas na sampal ang ikinabiling ni Tiffany at muntikan na niyang ikatumba. Napakabilis ng pangyayari at hindi na nga niya alam kung papanong nakarating kaagad ni Zabrina sa harapan niya kaya't di na siya nakaiwas pa.
Nasapo nalang niya ang halos nayanig na pisngi.
"MY. MOM. WASN'T. MY. DAD'S. MISTRESS. She's his first love. Sya ang mahal ni daddy at hindi ang malanding nanay ni Samantha. Naiintindihan mo?" kalmado ngunit may diing wika sa kanya ni Zabrina bago ito dahan-dahang naglakad patungo sa bintana at hinawi ang magarbong kurtina niyon. Matapos ay tila nangangarap na dumungaw rito.
"Don't worry, mom. You and I will soon get what's rightfully ours."
*JEREMY's POV*
"Girlfriend! Girlfriend! Bagay ba sa akin?" excited na tanong ko sa mahal kong girlfriend. Nakabili kasi ako ng bagong Air Jordan V rubber shoes. Wag kayo..ang mahal ng bili ko rito.
Nakangiti namang tumango-tango ang girlfriend ko habang naka cross arms pa sya paharap sa akin.
"Bagay naman. Pero tingin ko, mas bagay yung Nike LeBron na sinukat mo kanina sa mall."
"Mas idol ko kasi Warriors eh. Di kami magkasundo ng Cavs. Idol ni Millicent yun eh. Di bale, WArriors naman Champion." pagdadahilan ko naman.
Napakunot naman ang noo ni Girlfriend ( at alam ko pati ikaw na nagbabasa kung ano ang connection ng sinabi ko).
"Ano namang connection ng pagiging maka Warriors mo sa sapatos kanina?" tanong niya.
"Eh, di ba nga..si LeBron sa Cavaliers yun? Kaya di ko binili. Maka Stephen Curry ako eh." paliwanag ko habang isinusuot ko naman yung kaliwang sapatos.
Napa irap nalang siya sa akin habang ako naman ay di napigilang mapangiti. Lately kasi, palapit ng palapit ang loob ko kay girlfriend. Pakiramdam ko nga..nahuhulog na ako eh. Kung di lang nararamdaman ko parin ang kaba ko kapag nakikita ko si Naz..iisipin ko nang mahal ko na si girlfriend. Pero unfortunately, mukhang mahal ko pa talaga si Naz.
"So, bakit ka nga pala napabili ng basketball shoes? Magba basketball ka ba?" tanong niya sa akin.
Napahinto naman ako sa pag iisip at nginitian siya ng malapad, "Gusto ko lang bumili. Ang cool eh."
Napairap uli siya at napailing-iling. "Eh yung gig ninyo ng banda mo? Kelan?"
"Tomorrow night. At dapat..andun ka bilang supportive kong girlfriend.." nakangiti kong kindat sa kanya.
Bzzt.. Bzzzt..
Opps. Nag ring si Phone.
Inilabas ko ang mamahalin kong Iphone 6 at binasa ang message.
Boss.
Nakahanda na po ang lahat para bukas.
Signal nyo nalang ang hihintayin.
From : George
*** TO BE CONTINUED*
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]
RomanceAng akdang ito ay rated SPG. Striktong patnubay ang kailangan sa mga batang mambabasa. GARANTISADONG may maseselang eksena, sekswal, karahasan, kagaguhan, murahan at trolling na hindi angkop sa mga ISIP BATA. STORY BY : Chennieberries COVER BY :...