S M S G - 45 [R]

2.5K 33 4
                                    


(This chapter is brought to you by the letter S. Alam na this! )

"Hot soup, girlfriend?" Jeremy asked me as he ushered me to a couch.

Nakangiti lang ako sa kanya. It doesn't matter....it really doesn't matter kung iniwan at iniwasan niya ako. I don't even care that he hurt me and badly broke my heart. All the heartaches and tears don't matter anymore.

Ang mahalaga, he's beside me.


"Wanton? Chicken? Ramyeon? What do you like?" muling tanong niya bago naupo sa tabi ko. Hinila niya ako palapit sa kanya at inihilig ako sa kanyang matitipunong dibdib. He hugged me close.


"Ramyeon.." I answered softly and snuggled myself closer to him. How I missed his warmth....the feeling of having him close to me.


He combed my hair with his hands and smiled at me. "Korean soup?"


I nodded and smiled back, "Yes...I don't know, but I really crave for it these days.." wika ko.


What I said is true. These past days ay nahihilig ako sa pagkain ng Ramyeon. Madalas ay kailangan ko pang magmaneho at maghanap ng Korean Restaurant dahil wala naman akong mahanap sa karamihan ng restaurants near my place. Nasubukan ko narin one time na bumiyahe pa Korea para lang makakain ng masarap na Ramyeon. The food really captured my appetite.


"Hmm...are you perhaps...pregnant?" aniya sa akin habang hinihimas-himas ang kanyang baba na parang nag iisip.


Nahampas ko sya ng wala sa oras. Gah! Pregnant? Me? Eh, last month ay may period ako. At this coming second week of the month ay daratnan uli ako. Di ba pwedeng nagustuhan ko muna yung food at naging favorite ko? Buntis agad-agad?!


"Geezz....don't be excited because too bad...I'm not." nakangising sagot ko sa kanya.


"Oww..so, why don't we make...babies?" he smirked at me while giving me a seducing look.

I raised my eyebrow at him at hit his shoulder." I don't think that's a nice idea. Now, go to the kitchen and make me my Ramyeon soup."

I pushed him away from me and he laughed hard. Tumayo na siya at napapailing na tumungo na sa direksyon ng kusina.


"Ramyeon soup for my girlfriend coming up~" aniya pa using a singsong tune.


Napakagat-labi ako. Yes, call me martyr...fool...stupid..pero wala akong pakialam. Kahit naiinis na kayo sa katangahan ko sa kanya ay wala parin akong pakialam. Ganito nga talaga siguro ang nagmamahal. Nagpapakatanga. Alam kong sinaktan nya ako. Alam kong ga balde ng luha ang iniyak ko sa kanya. Alam kong halos mamatay ako sa kakaiyak dahil sa biglaang pang iiwan niya sa akin. Higit sa lahat, alam kong dapat siyang magpaliwanag sa mga ginawa niya. Dapat akong magalit sa kanya.

Pero wala eh...

Mahal ko. Tama sila..kapag mahal na mahal mo, hindi mo kayang magalit sa isang tao. Magalit ka man...hindi naman yun tatagal at paglipas ng ilang araw, mawawala nalang ang galit mo kahit ayaw mo pa. Gustong-gusto ko siyang kumprontahin sa mga ginawa niya sa akin pero natatakot akong iwan nya ako uli. Natatakot akong iwasan niya ako uli kapag nagtalo kami ngayon. I deserved the truth, yes. Deserved ko na marinig ang paliwanag niya. Pero ako ang talo dahil ayaw kong magtanong sa kanya.

SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon