S M S G - 31

1.7K 41 13
                                    



*PSYCHE's POV*


"Girlfriend..I'm sorry..sorry.."

paulit-ulit na hingi niya ng tawad sa akin habang yakap ako.


I have no idea...pero lahat ng tampo, galit at inis ko kanina ay nawala lang nang parang bula..

Walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi ang katotohanang naalala niya ako kahit nandun na sya sa mahal niya kanina.


He still came for me.

Pinuntahan parin niya ako kahit disoras na ng gabi.

At naisip ko...

Kahit bedmate lang niya ako...kahit papano, may halaga ako sa kanya.

He may love Nazrah pero pinahahalagahan niya parin ako.

Tears of joy filled my eyes. Ang saya ko agad na para bang kanina ay hindi ako nasaktan.

I'm still lucky...


Hindi ko namalayang napahagulgol na pala ako ng iyak habang nakasandal sa dibdib niya ang ulo ko and he was hugging me.

"Shh..tahan na girlfriend..Di na mauulit,promise.."

Kahit umiiyak ako...di ko maiwasang mangiti sa sinabi niya.


Ang sarap magpahalaga ng isang Jeremy Ramirez.

Ang swerte ni Nazrah...dahil sya..hindi lang pinapahalagahan ni Jeremy. Mahal pa sya nito.


*JEREMY'S POV*


Isinusumpa ko talaga na kahit kelan ay di ko na paiiyakin si girlfriend. Bukod kasi sa parang mas dobleng sakit ang nararamdaman ko kapag umiiyak siya ay ANG HIRAP PA NIYANG PATAHANIN.


Seriously, girls. Bakit kapag pinapatahan kayo lalo kayong umiiyak?

Pero okay lang. Ang ganda-ganda parin naman ng girlfriend ko kahit mugtong-mugto na ang mga mata.

Di lang yun! Masarap pang magluto!

Kagaya nitong beef casserole na kinakain ko ngayon.


"Boyfriend..di kaya maimpatso ka nyan mamaya?"


Napatigil ako sa gagawin kong pagsubo ng beef casserole at napatingin sa maganda kong gf na kaharap kong kumain.

Kalahati palang bawas ng pagkain niya mula kanina. Samantalang ako...Pangatlong plato ko na to. XD

Nginitian ko siya ng malapad,

"Hindi naman siguro, girlfriend."

sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

Matapos kong maubos ang nasa plato ko ay hindi pa ako tapos.

Kumuha pa ako ng lasagna at cookie.

Isinawsaw ko yung cookie sa chocolate frappe.


"Did you just dip the cookie into the frappe?" manghang tanong niya sa akin.


Tsk. Ano bang masama sa ginawa ko? Masarap kaya.

Di ko sinagot yung tanong niya. Ang ginawa ko,nagdip ako uli ng cookie sa choco frappe at inilapit ko yung cookie sa kanya.


"Ahh.." sabi ko na pinapanganga siya.

Haha. Ang sweet ko, right?

Parang naeskandalo naman yung ekspresyon ni girlfriend. Geezz..Parang yun lang.

Di ba sya makapaniwalang gawain yun ng isang Jeremy Ramirez?

Pano pa kaya kung nakilala na nya si Dave nang maigi? Edi nahimatay na siya sa katotohanang kumakain si Kutong Lupa ng tuyo na isinawsaw sa sundae? O di kaya ng balot na pinalamanan ng ice cream?

"Are you seriously asking me to...eat that?" sabi pa niya sa akin.


"Just say ahh~ Girlfriend. Pareho namang chocolate yan. Walang magbabago sa lasa." I told her.


Tiningnan muna niya ako sandali and sa wakas ay kinain narin niya yung inaabot ko.


Ngumuya-nguya muna siya saglit tapos biglang ngumiti ng malapad.


"Hmm..not bad." aniya and kumuha rin ng cookie at isinawsaw sa frappe niya.

Napatawa nalang kaming dalawa sa ginawa niya. Napagtanto kong ang sarap pala kakwentuhan ni girlfriend.

Hindi kasi kami madalas nakakapagkwentuhan dahil sa alam nyo na...hehe.

Ang dami pa naming napag usapan na hindi namin namalayang naubos na pala yung mga niluto niya at alas kuwatro y medya na ng madaling araw.

"Let's sleep, boyfriend.." she told me,stiffling a yawn.

Napangiti ako sa kanya. Bakit ba ngayon ko lang napansing hindi lang pala sexy at hot si Psyche? Cute din pala siya.

Magkatulong na niligpit namin yung pinagkainan namin bago pumasok na sa kwarto niya.

Yep. As usual, tabi kami.

Bago matulog ay napagpasyahan kong maligo muna.

Alam nyo na...

Ayaw kong tumabi kay gf na mabaho ako. Baka ma turn off siya sa akin.


SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon