*DAVE'S POV*
{ Rhidge Santillan at the multimedia}
"Seryoso ako, Rhidge. We need your help. Di pa naso solve yung nangyaring insidente kay Psyche." sabi ko kay Rhidge na kasalukuyang naglalaro lang ng chess at hindi ako pinapansin.
"Rhidge!" untag ko sa kanya at ginulo ko na ang chess pieces na nasa board. Naglaglagan ang mga iyon sa sahig.
Inaasahan kong susuntukin nalang niya ako bigla dahil sa ginawa ko pero hindi man lang siya natinag. Seryosong nakatingin lang siya sa akin at pinagmamasdan ako na parang naamuse.
Tss..
Kung minsan talaga, di ko maintindihan ang takbo ng utak nitong si Rhidge.
"Rhidge, sa ating lahat, alam mong ikaw ang may pinaka may magagawa para tulungan si Jeremy. " seryosong sabi ko sa kanya. Minsan lang ako maging seryoso...at isa ang mga tagpong ito sa minsang iyon.
"At anong mapapala ko?" nakangiting tanong niya sa akin. Dumukot siya ng panyo mula sa bulsa ng suot niyang coat.
Iniabot niya yun sa akin ; napamaang ako.
"Aanhin ko to?" nagtatakang tanong ko.
"May blades ang chess pieces ko. And handled in a wrong way, masusugatan ka,like what happened to you now." sagot naman niya at tumuro sa kamay ko.
Napatingin naman ako sa kamay ko and damn! Nagdudugo nga ang mga daliri ko. At dahil aware na ako na may sugat ako, naramdaman ko na ang kakaibang hapdi.
"Agghh! " napadaing ako sa kakaibang sakit na naramdaman ko habang binabalutan ko ng binigay niyang puting panyo ang kamay ko.
"Bakit may blades ang—agh!- chess pieces mo?! Bukod sa pagiging prinsipe, tapatin mo ako...tatay mo ba si James Bond?!" kahit hirap na hirap ako sa sakit ay nasabi ko parin.
Hindi ko maintindihan ang hapding nararamdaman ko...parang nag aapoy ang kamay ko.
"Tsk. Mas magaling pa ako kay James Bond. May lason ang blades na nasa pieces ko." kalmadong sabi niya sa akin.
Aba,Puta! May lason?
"Eh, tangena mo pala pre eh! Alam mo palang may lason, eh bakit di mo pa ako bigyan ng first aid?!" nagpapanic na sigaw ko sa kanya.
Ayaw ko pang mamatay!
Magkakaanak pa kami ni Kislap!
"May gamot ang panyo ko." maikling sagot niya. Napatingin naman ako sa puting panyo na nasa kamay ko at lalo iyong diniinan sa mga sugat ko. Maigi nang sigurado.
"Bakit may mga deadly weapons ka? Agent ka ba?" tanong ko uli sa kanya. Kasi diba? Mga Agents madalas ang mga may gamit na kagaya nun? O.o
Tinawanan lang niya ako at nag de kuwatro pa ng upo.
Habang ako...nakatanga parin sa kanya.
Bukod sa pagiging isang prinsipe ni Rhidge...ano pa bang di namin alam sa pagkatao niya?
THIRD PERSON'S POV
Samantala..
Sa isang marangyang mansyon ilang milya mula sa kinaroroonan ng dalawa ay isang dalaga ang nakakaramdam ng matinding galit at poot.
"Pinagbabantaan niya ba ako?! Ako?! Akong si Zabrina Kim? Ang lakas ng loob ng taong yun na hamunin ako! Hindi nya alam kung ano ang mga nagawa ko at gagawin ko palang...pakialamero! At dahil dyan...welcome to my Deathlist Mr. Rhidge Santillan, sisiguraduhin kong kasama ka sa magpapaalam sa mundong ito!" malakas at puno ng galit na sigaw niya habang tinatapak-tapakan ang chess piece na pinadala sa kanya noong umagang iyon. Isa iyong Black Queen sa larong chess.
Muntik na niyang literal na ikamatay ang paghawak sa chess piece na iyon...nasugatan siya nito at pakiramdam nga niya ay nasusunog ang buong katawan niya. Mabuti na lamang ay meron siyang nakahandang gamot para sa lason niyon.
"Gusto nyong maglaro...sige, maglaro tayo ng chess. Ang masi check mate..
ang unang mamamatay. " aniya pa habang tila nababaliw na hinihimas-himas naman ngayon ang chess piece at hinalikan pa iyon.
"Kahit anong gawin nyo..Di nyo ako mapipigilan sa gagawin kong paghihiganti. Samantha Kim...Jeremy Ramirez...kayong dalawa ang nangunguna sa listahan ng mga magpapaalam na sa mundo..."
—To be continued
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]
RomanceAng akdang ito ay rated SPG. Striktong patnubay ang kailangan sa mga batang mambabasa. GARANTISADONG may maseselang eksena, sekswal, karahasan, kagaguhan, murahan at trolling na hindi angkop sa mga ISIP BATA. STORY BY : Chennieberries COVER BY :...