*Jeremy's POV*
Iniwan na naman nila ako. Forever alone nalang ba ang peg ko sa buhay? Tss.. gwapo naman ako? Lols. Djk. Maigi nga yun. Para malapitan ko na ang babaeng mahal ko.
Napangiti ako sa sarili ko habang humahakbang patungo sa kinaroroonan niya. I missed her. Ilang araw din akong hindi nagpakita sa kanya.
"Hey.." agad kong bati sa kanya nang makarating na ako sa harapan niya. Ngumiti naman siya sa akin at humarap uli sa kutong lupang nasa harapan niya.
"Oy, Dalmatian! Paki awat nga tong si Ban--Nazrah!" sabi ni Kutong lupa sa akin at sabay lapit at tago sa likuran ko.
Natawa nalang ako at tiningnan si Nazrah na halatang naiinis na nakatingin kay Dave. Ano na naman ba kasing ginawa ni Dave? Tss..
"Bakit ba kasi?" tanong ko at naupo na sa table nila. Agad kong sinalinan ng wine ang kopitang naroon at inabot kay Nazrah. " Oh, inumin mo. Pampakalma." sabi ko sa kanya.
Inabot naman niya ito and nilagok iyon ng walang pasabi. Napatingin lang ako sa kanya, and I felt my heart quench in longing. Nazrah..alam mo bang mahal kita? Kaso wala eh. Kaibigan kita. Ayaw kong isakripisyo ang pagkakaibigan natin. Magkababata tayo, eh. And You're my bestfriend.
"Oy, saglit lang ha? Hanapin ko lang si Kislap!" narinig kong paalam ni Dave at nagmamadali na siyang lumakad palayo sa amin, squeezing himself in the crowd na kasalukuyang nagsasayawan na sa saliw ng isang awiting di ko alam ang title.
Naiwan kaming dalawa ni Naz. Siya abala sa paginom ng margarita at ako...na nakatitig sa kanya. Hayy.. bakit ba kasi hindi pwede? Bakit ba kailangang naging kaibigan pa kita? Kung hindi lang sana...matagal na kitang niligawan, Naz. Can you be my girlfriend?
"So, ano nang nangyari sayo? Ilang araw mo akong di kinakausap ah?" tanong niya sa akin matapos niyang ibaba ang baso niya sa table. Naglean siya paharap sa akin at sa pagkabigla ko ay hinawakan niya ang mukha ko and caress my cheek. " Buti naman pawala na ang pasa mong ungas ka." aniya.
Ngumiti naman ako sa kanya at lihim kong pinagpasalamat na medyo madilim ang paligid kundi nahalata na niya na namumula ang mukha ko. Tss.. ang bakla alam ko. Pero masisisi nyo ba ako kung sa biglaan kong pagba blush kung hinawakan lang naman ng babaeng mahal ko ang pisngi ko?
"Syempre. Gwapo ako." Pakaswal kong sagot kahit ang totoo ay kabadong-kabado na ako. Ganito nalang nang ganito lagi ang pakiramdam ko tuwing magkasama kami ni Naz.
Noong una.. akala ko may sakit lang ako sa puso. Nagpatingin pa nga ako sa family doctor namin. Sabi nung doctor, wala naman daw akong kumplikasyon sa puso. At nung sinabi kong nagkakaganito ako tuwing kaharap ko ang isang tao, natawa siya. INLOVE lang daw ako. Tinawanan ko pa nga eh. Ako? Si Jeremy Ramirez maiinlove? Ang lakas kong magdeny nun. Pero nung nagkaboyfriend si Nazrah..laking pagtataka ko dahil gustong-gusto kong bugbugin yung boyfriend niyang mas gwapo pa ako.
Then I realized, I was jealous. Nagseselos ako dahil mahal ko na pala siya. Di ko alam kung papano dahil nga sadista siya at ang lakas niyang mambara. Marahil.. Nazrah is one of a kind. Hindi pa ako nakakita ng babaeng kasing weird niya. Yup, Nazrah is weird.. in a good way. Sya yung uri ng babaeng mas may interes pa sa drums niya kumpara sa mga Adonis na kagaya ko. Yung uri ng babae na walang pakialam kung ano ang susuotin niya. Walang arte. Cologne nga lang ang pabango niya but still..Naz is so fragrant. Yung nakakabaliw na scent niya ang isa sa dahilan kung bakit naging crush ko sya nung una. Sino bang mag aakala na ang crush ay naging love na matapos ang ilang taon diba?
"Ang yabang mo ungas. Panget ka naman." sagot niya sa akin na natatawa ngunit agad ding sumeryoso ang ekspresyon niya pagkaraan ng ilang sandali. "Sino nga pala yung magandang babaeng kasama mo kanina? Girlfriend mo?"
"That's Psyche. And.. err.. girlfriend ko." sagot ko sa tanong niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit 'girlfriend' ang pakilala ko kay Psyche sa mga tao sa paligid. Ayysstt, siguro ay dahil ang ganda niya at sa tingin ko ay mas makakaboost yun ng ego ko bilang lalaki ang makilalang boyfriend ng babaeng kasing ganda niya. Mas maganda itong nasa harap ko syempre.
Ngumiti si Naz uli. Pero parang may kakaiba akong nakitang dumaan sa mga mata niya. Parang lungkot. Nalungkot ba si Naz sa sinabi ko? Gusto rin ba ako ni Naz? O namamalikmata lang ako?
"Wow. Hanga ako sa yo, ungas ka! Ang ganda ng girlfriend mo. Ginayuma mo ba yun? Para kayong Beauty and The Beast." tumatawang sabi niya sa akin sabay inom uli ng margaritang hawak niya. Bakit parang pilit ang tawa mo, Naz?
"Gwapo kaya ako." matipid na sagot ko sa kanya at nagkibit balikat nalang.
"Sinong may sabi? Pero seryoso. Bagay kayo ng girlfriend mo." wika niya sa akin at biglang tumayo.
Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan siya sa pagtayo.
" San ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Restroom. I'd be right back." sagot naman niya at bago pa ako nakahuma ay agad na siyang nakatakbo palayo at isiniksik ang sarili niya sa mga taong nagsasayawan sa gitna ng dance floor.
Napabuntong hininga nalang ako habang napapailing. Aaminin ko na ba sayo ang nararamdaman ko, Naz? Layuan mo kaya ako?
*********
*PYSCHE's POV*
"Wait, guys. I need the restroom. Babalik din ako." pagpapaalam ko kina Tiffany at Millicent na kasalukuyang may kausap na lalaki na I can't remember his name anymore.
I half-walked, half-ran toward the restroom na hindi naman mahirap mahanap dahil may signs naman and direction papunta roon.Thank goodness because I feel like the wine has finally invaded my system. I don't want that to happen. That would be quite embarassing for me.
Agad akong pumasok sa restroom and agad ding naghilamos using my mineral water. Of course, ayaw ko na galing sa faucet ng banyo ang gagamitin ko. You can never tell. Malay mo.. marumi. Eww..
Natapos na akong maghilamos at pinupunasan ko nalang ang mukha ko with my scented towel nang may babae ring pumasok sa restroom at tuloy-tuloy na binuksan yung gripo ng tubig and naghilamos.
Napangiwi ako sa kanya. Yuck. Di ba niya nari realize na baka madumi yun? But whatever. I don't give a damn anyway. Mukha naman niya yan.
Kinuha ko nalang ang make up kit ko at sinimulan nang mag retouch. I was quite happy with what I was doing when she suddenly talked,
"Psyche, right?" she said in a tentative tone.
I automatically spun to face her. And shock registered in my face upon recognizing na sya yung babaeng tinititigan kanina ni Jeremy. And kahit masakit sa ego.. Fine. She's really beautiful. Mas maganda nga lang ako.
"How did you know my name?" I asked, curiously.
But she only said, " Take care of Jeremy. And never hurt him, please."
And with that, mabilis na lumabas na siya ng restroom, leaving me here speechless.
**********************************************************************************************
A/N :
Tapos na ang wild guesses~ Yes, It's Nazrah. Obvious naman, diba? ^_^ Nga pala.. changed Title.. His Bedmate to Seducing Mr. Sex God.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]
RomanceAng akdang ito ay rated SPG. Striktong patnubay ang kailangan sa mga batang mambabasa. GARANTISADONG may maseselang eksena, sekswal, karahasan, kagaguhan, murahan at trolling na hindi angkop sa mga ISIP BATA. STORY BY : Chennieberries COVER BY :...