Kindly click the external link for the Book Two :)
I give soft copies po para sa Book One...paki pm nalang po ako if interested. <3
Her POV
"Ms. Kim, the Cojuangco Group of Companies requested for a meeting 3pm sharp."
I turned to my secretary and smiled at her---a venomous smile that made her recoil. Ibinaba ko ang hawak na kopita ng wine sa table.
"Tell them that I am not interested. I am not signing a contract with them. And that's final."
"But Ms---"
I waved my hand dismissively. "Get out or you're fired."
Nagdudumaling lumabas na rin siya ng office ko. I smiled to myself and walked to the window. From there, tanaw ko ang buong city ng San Francisco --where I lived for five years now.
Limang taon...
Limang taon na rin pala ang nakakaraan mula ng mangyari ang lahat. Heck, ang tagal na. Today, ako na si Ms. Samantha Kim--the only heiress of the Kim's Group Of Companies. I own the world's most successful business. Tinitingala ako ng lahat. I am the Business' Tigress --- I can buy whatever, whoever I want wherever and whenever I like to. I have established myself for the past five years. I became strong. I became invincible. I became heartless.
Wala na akong puso.
Nawala na.. five years ago.
And all because of that man.
That man named Jeremy Ramirez.
Now, I'm back. I'm back for him.
It's time to turn the world upside down.
****************************
THIRD PERSON'S POV
"Hanggang ngayon...hindi pa rin nakikita si Jeremy. " napapabuntong hiningang wika ni Dave sa kay Rhidge na noon ay abala sa hawak na cellphone.
Inabangan niya ang pagsagot nito ngunit hindi man lang ito umimik. Naiinis na nilingon niya ito.
"Hoy, Rhidge! Bingi ka na ba?"
Saka lamang ito nag angat ng ulo at agad na nangunot ang noo, "Ano? May sinasabi ka ba?"
Napasapo siya sa ulo at napailing-iling. Ano bang nangyayari sa kaibigan? Hindi naman ito ganito noon?
"Tsk. Mahal na prinsipe, ang sabi ko...hindi pa rin nakikita si Jeremy! May lead na ba sa kinaroroonan niya?" ulit niya sa tanong.
"Ewan." maikling sagot nito at muling nagbalik sa ginagawa.
"Ano ba kasi yan?" di na nakapagpigil na tanong niya rito. Muli, hindi na naman siya nito inimik. Tumayo siya mula sa kinauupuan at pabiglang inagaw ang hawak nitong phone.
"Oy!" alma nito sabay abot sa phone.
Naiiwas naman niya ito. "Tangena, dude! Color switch?! Naglalaro ka ng color switch?!" na shock na tanong niya rito.
Ang astig na prinsipeng si Rhidge..naglalaro ng color switch. End of the world is coming to town.
"Sa bini beat ko yung record nung mayabang na babaeng yun, eh! Tsk. Pag di ko raw sya na beat...hindi nya ako sasagutin. Kaya pwede ba? Wag ka nang magulo! Amin na yan!" pagalit na eksplenasyon nito at hinablot mula sa kanya ang phone.
Ibinalik naman niya ito at napailing, "Tsk. Inlove na nga si Prinsipe."
Samantala...
Sa ilang milya mula sa kinaroroonan nina Dave at Rhidge ay may isang binatang kasalukuyang nangingisda sa isang malaking ilog. Nakasuot siya ng abuhing pangitaas at kulay itim na pantalon. Binabalanse niya ang sarili sa isang maliit na balsa habang hawak niya ang isang mahaba at matalas na sibat. Ginagamit niya ang sibat sa panghuhuli ng isda mula sa malalim na ilog.
"Hah! Hahaha. Akala mo siguro maiisahan mo ako, ano? Di ka na makakatakas!" tuwang-tuwang wika ng binata sa nahuling malaking hito.
Nakangiting inalis niya ang nasibat na isda mula sa sibat at inilagay iyon sa bayong na nasa gilid ng balsa. Marami-rami pa siyang huhulihin.
Akmang iaamba uli niya ang hawak na sibat sa tubig nang may tumamang maliit na bato sa kanyang ulo.
"A-aray! Mambato daw ba?" angal niya habang sapo ang parte ng ulo na natamaan.
Mula sa gilid ng ilog ay lumitaw mula sa pagitan ng mga puno ang isang babaeng kaedaran lamang niya. Maganda ito at may balingkinitan na pangangatawan.
"O, ano? Natamaan kita, no?! Masakit ba, ha? Alec?" nakatawang pang aasar nito.
Napakamot siya ng ulo rito. "Sobrang sakit. Bakit ka ba kasi nandito?"
"Nagugutom na ako! Ang tagal mong mangisda! Buti pa si tatay..kahit matanda na..maliksi at matinik pa rin sa pangingisda!" sagot naman nito.
"Eh, anong magagawa ko? Hindi nga ako marunong." pakli niya.
"Bilisan mo na kasi dyan! Daliiii!! Bababa pa si Nanay sa bayan! Maglalako pa tayo ng mga panindang gulay! Kailangang malamnan na ang mga sikmura natin. Kaya bilisan mo na dyan!" pagmamadali pa nito.
Napailing-iling naman siya. "Oo na! Bibilisan na po!"
"Bilisan mo, ah?!" anito bago tumatakbong umalis na.
Sinundan niya ito ng tingin at napangiti sa sarili. Napatingin siya sa tubig at may nakitang interesante.
"Aha! Andyan ka lang pala!" agad niyang sinibat ang napadaang tilapia sa tubig. May kakainin na sila.
Limang taon na rin mula nang mawala si Jeremy...
Limang taon mula nang huling makita ang tagapagmana ng mga Ramirez.
at limang taon na rin mula nang mawala ang kanyang mga alaala.
***************
Book Two is Ongoing :)
Please do support :)
Thank you <3
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]
RomanceAng akdang ito ay rated SPG. Striktong patnubay ang kailangan sa mga batang mambabasa. GARANTISADONG may maseselang eksena, sekswal, karahasan, kagaguhan, murahan at trolling na hindi angkop sa mga ISIP BATA. STORY BY : Chennieberries COVER BY :...