Third Person's POV
Ilang saglit pa na napatanga si Nazrah sa kaharap. Hindi siya makapaniwala. Sobrang kamukha talaga ni Jeremy ang isang ito. Maliban sa mahabang buhok ay wala na siyang makita pang pagkakaiba nito sa kaibigan.
Napailing-iling siya, "Wag mo nga akong pinagloloko, Jeremiah! Sapakin kita uli dyan, makita mo!" galit na banta niya rito.
Nangingiti at naguguluhang napailing din ito. "Look, miss. Hindi talaga Jeremy ang pangalan ko. You can call whoever that Jeremy is and check if magri ring itong phone ko." sabi pa nito bago inilabas ang cellphone nito mula sa bulsa ng pantalon.
Pinakita nito iyon sa kanya at iniwagayway sa kanyang harapan. Masama ang tingin na nilabas din niya ang kanyang sariling cellphone at hindi inaalis ang tingin rito na nag dial ng number ni Jeremy.
Nagring iyon.
Tiningnan niya nang maigi ang kaharap at ang hawak nitong cellphone. Hindi naman ito nag ring. Inilagay niya ang cp sa kanyang tenga at nagsalita, "Hello, Jeremiah."
["Hello, Naz? "] sa gitla niya ay sagot ng kabilang linya. Napanganga siya habang di parin makapaniwalang nakatingin sa lalaking kaharap.
Sa bigla ay napindot niya ang end call. Nakangiti naman ang lalaking carbon copy ni Jeremy sa kanya at nagsalita, "See. I ain't Jeremy."
Matagal na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa bago siya nakaimik. "P-pero...you look exactly like him. I mean, sobra talaga. Look.." at mabilis na kinuha ang walllet niya sa kanyang Jansport bag. Binuklat niya iyon upang makuha ang picture ni Jeremy na naroroon.
Nang matapos ay humakbang siya palapit sa binata at inabot dito ang litrato nilang dalawa ni Jeremy.
Inabot naman iyon ng lalaking kaharap at pinagmasdan. Isang di maipaliwanag na ekspresyon ang dumaan sa mukha nito habang nakatitig sa larawan. Isang ekspresyon na hindi alam ni Nazrah kung bakit nakaramdam siya ng pangingilabot.
"D-di ba kamukha mo?" tanong nalang niya rito.
Muling ngumiti ang binata at binalik ang litrato sa kanya. "Haha. Oo nga, miss. Kamukha ko nga."
Nagtataka at naguguluhan paring nakamasid siya rito habang inaabot mula rito ang larawan, "Hindi kaya kambal kayo?"
Napatawa naman ito at umiling-iling, "Wala naman akong kambal, miss. I'm the only son in our family."
"Ganun ba? Sabagay, baka meron lang talagang magkakamukha sa buong mundo." aniya nalang habang napapatango-tango.
Pero posible bang meron talagang dalawang tao na magkamukhang-magkamukha? Pwede ba yun? Diba dapat ang lahat ng tao ay "UNIQUE" at walang dalawang tao ang magkapareho sa lahat ng aspeto?
Pero sabagay, hindi pa naman niya kilala ang kaharap maliban sa pangalan nito. Ares Park..pamilyar. Parang nabasa na niya kung saan.
"Ah, A-Ares...san ka nakatira?" Tanong nalang niya rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid at may bench ilang dipa mula sa kinalalagyan nila.
Humakbang siya patungo roon at naupo. Sumunod naman ito sa kanya at naupo rin sa kanyang tabi. "Sa Makati...I have a house there." sagot nito.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]
Roman d'amourAng akdang ito ay rated SPG. Striktong patnubay ang kailangan sa mga batang mambabasa. GARANTISADONG may maseselang eksena, sekswal, karahasan, kagaguhan, murahan at trolling na hindi angkop sa mga ISIP BATA. STORY BY : Chennieberries COVER BY :...