*AUTHOR'S POV*
"Mama! Mama oh! Si Darna!" sigaw ng isang bata habang tinuturo-turo ang isang pigura sa kalawakan.
Bumubulusok ito pababa hanggang sa biglang nagkaroon ng malaking animo tela sa itaas nito.
Napasigaw lalo ang bata.
"Wahh!!! Magic-magic!"napapalakpak pa ito sa tuwa.
Humahangos naman na tumakbo ang ina na galing sa kusina. Agad niyang narating ang balkonahe kung nasaan ang anak na may tinuturo-turong kung ano sa ere.
"Ano bang iniingay mo, munchkins anak?" tanong niya rito.
Ngunit hindi siya nilingon ng bata. Sa halip, patuloy nitong tinuturo ang ere.
"Mama, look oh! Shi Darna!" anito nang nakaturo parin sa ere.
Napatingin naman siya sa tinuturo ng anak at agad na nakapag sign of the cross sa nakita.
"Haru jusko!" nasambit niya habang minamasdan ang taong nakaparachute at pababa na sa kinaroroonan nila.
"Darna is landing here, mama! let's prepare some juice!" excited na sabi ng bata.
Sa tingin ng matanda ay tama nga ang anak. Mukhang sa balkonahe nga ito maglalanding.
Palapit na ito nang palapit at naaaninag na niya ang tao. Hindi iyon babae. Lalaki iyon.
"A-anak..I think it's not Darna..it's Superman." nakatanga sa ere na nasabi niya sa anak.
Ang lapit na nito at ka level na ito ng bubong nila...
"NAY,TABI!!!" Sigaw nang lalaki na ikinagulat nila.
Napatalon sila mula sa kinalalagyan at na pwesto malapit sa pinto.
Kitang-kita nila kung pano naglanding ang lalaki sa balkonahe nila. Nasagi pa nga ang paso ng orkidyas na nasa balkon at nabasag.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]
RomanceAng akdang ito ay rated SPG. Striktong patnubay ang kailangan sa mga batang mambabasa. GARANTISADONG may maseselang eksena, sekswal, karahasan, kagaguhan, murahan at trolling na hindi angkop sa mga ISIP BATA. STORY BY : Chennieberries COVER BY :...