S M S G -37

1.4K 31 6
                                    

A/N : Watch the vid at the MM :)) Credits to the owner :D


*PSYCHE'S POV*


"Tulonggg!! Tulong, pleaseee!!" nanunuyo at sumasakit na ang lalamunan ko sa kakasigaw. Pero hindi ako dapat tumigil. Hindi ako dapat mamatay nang ganito lang. Papanoorin ko pa ang boyfriend kong magperform...makikinig pa ako sa boses niya--haharanahin nya pa ko.

Kailangan ko pang lakasan.

"Tulongg!! May tao dito! Maawa kayo!" 


Limang minuto nalang....limang minuto nalang at hindi ko na uli pa makikita si Jeremy... hindi pwedeng mangyari yun. Kailangan kong mabuhay. Hindi ko pa nasasabi sa kanya kung gaano ko sya  kamahal.


Lalo akong nagpiglas sa kinauupuan. Hindi ko hahayaang mawala nalang ako sa mundo. Hindi pa ako nakakahingi ng tawad kay Millicent tungkol sa sekreto ko sa kanya...hindi ko pa naalala ang nakaraan ko...hindi ko pa alam ang pagkatao ko...



"Psyche?! Psyche?! Nasan ka?!" 

Napapitlag ako sa narinig. Boses..may naririnig akong tumatawag sa akin! Nakinig pa ako upang makumpirma ang narinig. 


"Psyche?! Nasan ka?!" 

May tumatawag nga sa pangalan ko! Hindi ko maipaliwanag ang relief at sayang naramdaman ko nang mga sandaling iyon.

Kaya't kahit na namamaos pa ang boses ko at sobrang sakit na ng lalamunan ko ay nagawa ko paring sumigaw. Kahit mahina lang..sana marinig niya.


"Tulong! Andito ako! Andito ako!!" naramdaman ko ang mga luhang naguunahan sa pisngi ko. Umiiyak ako..umiiyak sa sobrang relief at tuwa.

Hindi pa ako mawawala. Mapapanood ko pa si Boyfriend na magperform!


Narinig ko ang mga tumatakbong yabag na patungo sa kinaroroonan ko kaya't lalo akong gumawa ng ingay. 

Apat na minuto...


Kailangan makalag na ang bombang nakakabit sa akin at mapahinto ang oras nito. 


"Psyche?!" 


Nag angat ako ng ulo mula sa pagkakatingin ko sa bombang nasa katawan ko. At lalong nabuhayan ng loob. Hindi man si Boyfriend ang magliligtas sa akin pero sigurado akong pinadala niya dito ang kaibigan niyang si Rhidge.


"Rhidge! Tulungan mo ako!" umiiyak na pagmamakaawa ko sa kanya. 

Agad naman siyang lumapit sa akin at lumuhod sa harapan ko para mapantayan niya ang pagkakaupo ko sa upuan. Agad niya akong hinawakan sa magkabila kong balikat.


"It's okay. Don't panic. Just trust me...I'll save you." sabi niya sa akin at nagmamadaling may kinuha sa bulsa ng suot niyang jeans. 

Nakita kong isa iyong silver na ballpen. Pinindot niya iyon at lumabas ang isang maliit at manipis na metal matapos ay inilapit niya iyon sa screen ng bombang nakakabit sa akin. Bumilis ang mga numero hanggang sa bigla nalang iyong nawala. 

SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon