S M S G - 39

1.5K 32 11
                                    

*PSYCHE'S POV*

( credits for the pic at the mm. Jeremy and Psyche..kissing~ <3)


"Boyfriend..san tayo pupunta?" tanong ko kay boyfriend. Kasalukuyan kaming nakasakay sa bago niyang sasakyan. He told me that he bought this car last week...just for this special day.

Sinundo niya ako kina Rhidge kanina...nagtataka ako kung bakit kanina lamang niya ako sinundo. Sabi ni Rhidge ay may important matters daw na aasikasuhin si Jeremy. Marahil ay tungkol iyon sa mga nandukot sa akin at nagtangka sa buhay ko. Naisip siguro nilang safer ako kung nasa poder ako ni Rhidge. At marahil ay naresolba na ang lahat at nakakulong na ngayon ang mga may sala kaya sinundo na niya ako mula sa kanyang kaibigan.


Ang pinagtataka ko lang...

Bakit kaya halos hindi siya papasukin ni Rhidge sa mansyon? At bakit kaya kailangan pa nilang mag usap ng masinsinan at inabot pa ng ilang oras bago ako payagang maisama ng boyfriend ko? 

Now, I felt a bit angry and irritated at Rhidge..kasi naman diba? Wala naman siyang karapatang wag akong pasamahin sa Jeremy ko? Geezz.. he's not my dad, for Pete's sake.


Jeremy threw me a glimpse and smiled, "Sa paraiso."


Napaarko ang kilay ko, "Paraiso? As in paradise?" medyo nangingiting-naguguluhang tanong ko.


Lalong lumawak ang pagkakangiti niya, "Yeah. And today, I want you to be the happiest girl on Earth." 

Muli siyang nagfocus sa pagmamaneho niya matapos niyang sabihin iyon..samantalang ako naman ay di mapigilang mapangiti. My boyfriend is hella sweet today..bakit kaya? I know that he's really sweet but..iba ang sweetness niya ngayon. Parang...over naman ata? Pero hindi ko itatangging mas gusto ko ang ganito.

Pakiramdam ko...official girlfriend niya ako.  I feel a hundred to the tenth power more beautiful. 

Hindi na ako sumagot pa...I just want to feel this the moment kasi parang iba ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan. Kinakabahan ako...marahil ay sa sobrang excitement lang sa mangyayari ngayong araw.

Ilang sandali lamang ay naramdaman kong inabot ni Jeremy ang kamay ko at pinisil. He held my hand and smiled at me. I felt butterflies in my stomach...parang lahat ng nangyari nung isang araw, nawala lang lahat. All that matters is him..holding my hand.


Nanatili kaming walang kibo habang bumibiyahe..indulging in this wonderful moment. Kahit hindi na ako magsalita..kahit hindi na kami magusap pa..ramdam na ramdam ko ay nararamdaman namin sa isa't isa.


***********


"Girlfriend...wake up! Hahalikan kita!" 

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. My eye sight was still blurry. I rubbed my fists against my eyes and blinked several times.

Ang maamo at napakagwapong mukha ni Jeremy ang bumungad sa akin. Napangiti ako. 

What a perfect sight...

"Sorry, nakatulog ako. Nasan na ba tayo?" tanong ko sa kanya. 

Lumuwang naman ang pagkakangiti niya bago may kinuha sa bulsa ng kanyang jeans. Isang itim na blindfold.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Anong kalokohan to? 

SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon