( A/N : Guys, yung mga memories/flashbacks po ay lalagyan ko ng palantadaang "*~* " kasi po hindi po naka italized sa mobile. Baka po malito kayo. Sa simula at sa end ko po ilalagay. Salamat po :) <3 )
Jeremy was stunned. Tila napako siya sa nangyari. Alam na ni Psyche ang lahat.
And she hates him.
Ngunit pano nga ba nito nalaman iyon?
Patakbong tinungo niya ang kanyang kwarto kung saan niya iniwan si Psyche. Maybe she had already found the tapes...
Pero tinago niya ang mga iyon sa isang nakakandadong kabinet. Pano nito nabuksan ang......
Napahinto siya nang makapasok sa silid. Napako ang kanyang mga mata sa kapatid na nakasalampak sa sahig at umiiiyak.
And he understood.
"Millicent..."
Nag angat ito ng tingin. Hilam na hilam ng luha ang mga mata.
"It's finished, kuya. Tinapos ko na. "
"You told her?!" Hindi niya mapigilang magtaas ng boses. Hindi niya inaasahan ang nangyari. Hindi ito kasama sa plano niya.
Halu-halo ang nararamdaman niya. Galit...inis...sakit...gulat...
"Tama na kuya! Tama na! My bestfriend doesn't deserve it! Hindi nya kasalanan ang nangyari sa pamilya natin! Why do you let her pay sa mga bagay na hindi niya ginawa?!" Sigaw ni Millicent sa kanya. Marahang tumayo ito mula sa pagkakaupo at galit na hinarap siya. "Mahal mo sya, diba? Bakit mo to ginagawa sa kanya?"
"Mahal? Oo! I love her! God knows I love her, Millicent! Pero mas kinamumuhian ko sya...MAS KINAMUMUHIAN KO SYA AT ANG PAMILYA NYA! They ruined our lives! They killed our family! They killed Spader! "
"It wasn't my bestfriend's fault, kuya! She was too young back then! Wala syang alam! Don't make her pay sa kasalanang hindi niya ginawa!"
"You can't control me, Millicent. It's done. Nagawa ko na. There's no turning back."
Marahang humakbang palapit sa kanya ang kapatid. At nang isang hakbang nalang ito mula sa kanya ay ngumiti ito ng mapait.
"Nilalamon ka na ng galit, kuya. Nilalamon ka na ng kagustuhan mong makaganti sa mga Kim... Nababalutan na tong puso mo.." at itinapat nito ang hintuturo sa dibdib niya. "Nababalutan na ng galit... Pero alam mo, kuya...may pag asa pa. Mahal mo sya, diba?"
Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa kapatid. At habang nakatingin siya rito ay may isang luha tumakas mula sa kanyang mga mata.
"You said that you love her. And that love is powerful enough to beat that hatred in your heart. Mawawala rin yang galit na yan, kuya. But your love for her...it's everlasting."
And with that, tuluyan na siyang tinalikuran nito at umalis. Naiwan siyang nakatulala sa hangin...
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]
RomanceAng akdang ito ay rated SPG. Striktong patnubay ang kailangan sa mga batang mambabasa. GARANTISADONG may maseselang eksena, sekswal, karahasan, kagaguhan, murahan at trolling na hindi angkop sa mga ISIP BATA. STORY BY : Chennieberries COVER BY :...