*PSYCHE'S POV*
"Manong, sa JC's Bar and Resto lang po." I told the taxi driver as I went inside the cab.
Coding kasi ang kotse ko kaya tiis muna ako ngayon sa taxi. Yung isang car ko naman, nasira ang alternator kaya di ko pwedeng magamit. Di bale, medyo malapit lang naman ang bar nina Jigs.
Jeremy invited me to watch their little gig. And syempre, kahit di naman talaga official na kami, magiging supportive girlfriend ako.
I smiled to myself habang hinahaplos ng daliri ko ang laced bag na pinaglagyan ko ng niluto kong beef casserole and fried chicken for him.
Sana magustuhan niya ito. Ayaw ko kasing nagugutom ang mahal kong boyfriend. Hay.. ang ilusyunada ko ba? You're just jealous because I have the sex god as my boyfriend. Pero okay lang yan, Rhidge is yours naman, right?
Tumingin ako sa bintana, smiling.
Sana..sana nga ako na lang ang mahalin ni Jeremy...
Matapos ang pagmamasid ko sa labas ay chineck ko ang oras. Mahirap na baka ma late ako sa gig ng boyfie ko..
Wait.. Eight-thirty pm?
Pero I left the house nang 6:30 pm palang... Bakit ganun? Nagta travel parin ako for two hours na? Pero.. malapit lang naman ang bar nina Jigs at sa pagkakaalam ko, 30 minutes lang ang travel time para makapunta dun.
What the heck?!
"Manong?! Manong, sure kang alam mo kung saan ang JC's Bar and Resto?! Sa Makati lang yun, manong! Nasan na ba tayo?!" I panicked. Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko.
I feel scared... bakit pakiramdam ko nanganganib ang buhay ko?!
Hindi sumagot ang driver, which made me more nervous. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at niyugyog ko na ang magkabilang balikat niya.
"Manong! San na tayo?! San mo ako dinala?! Stop this car! Stop this and let me out!" lalo kong inilakas ang sigaw ko at pagyugyog ko sa kanya. No..please, help me! This isn't happening..
"Pwede ba! Manahimik ka nga! Ang ingay mo! Kung wala lang order si boss na wag kang sasaktan, nasuntok na kita ngayon!" sigaw niya sa akin.
Napatda ako sa narinig. Boss? Ibig sabihin, planado ang lahat ng ito.. Pero sino?
Yung patay na pusa sa banyo ko...yung pulang laso.. at eto.. sino ang may gawa ng lahat ng to?!
"S-sino.. sino ang may utos na gawin mo to?" pakiramdam ko ay tinakasan ako ng boses at hindi ako makapagsalita ng malakas. Nangingilid na ang luha sa mga mata ko and I feel so helpless.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]
RomanceAng akdang ito ay rated SPG. Striktong patnubay ang kailangan sa mga batang mambabasa. GARANTISADONG may maseselang eksena, sekswal, karahasan, kagaguhan, murahan at trolling na hindi angkop sa mga ISIP BATA. STORY BY : Chennieberries COVER BY :...