*THIRD PERSON'S POV*
"Rem, wala pa si Rhidge. The show's starting. Wala tayong lead guitarist!" bahagyang nagpapanic na wika ni Nazrah kay Jeremy na noon ay tila malalim ang iniisip at nakatalungko sa sandalan ng isang upuan.
Magsisimula na ang kanilang palabas pero tila walang balak ang binatang mag perform.
"Ano ba, Rem! You know that we need to get ready! Get yourself together!" tila naiinis na lalong nilakas ng dalaga ang pagyugyog sa kanang balikat nito. Hindi kasi ito natinag sa pagkatulala.
Ngunit nanatiling wala itong kibo. Hindi naman malaman ni Nazrah ang gagawin. Maraming manonood dahil third anniversary ito ng bar ni JC's Bar and Resto. Mahalagang mag perform sila sa araw na ito.
"Dalmatian! Tumawag si Rhidge! Kakausapin ka raw." patakbong lumalapit sa kanila si Dave na may hawak na phone sa kanang kamay.
Sabay na napalingon sina Nazrah at Jeremy sa kanya.
Walang kibong inilahad ni Jeremy ang kamay para kunin ang phone. Agad niya itong sinagot.
"Rhidge." walang ganang wika niya sa awditibo.
"Nandito ako sa tapat ng building kung saan ipinatapon mo ang girlfriend mo para mamatay." sagot ng kabilang linya na ikinagulat niya.
Matinding kaba, takot at hindi maipaliwanag na sensasyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon na ikinaumid ng kanyang dila.
Alam ni Rhidge ang lahat...
Pero pano?
Ilang sandali pa ang nagdaan bago siya nakapagsalita, "Hindi ko siya girlfriend."
"Wala akong pakialam, Ramirez. Dalawang bagay lang ang mahalaga sa akin ngayon. Una, mag isip ka. At pangalawa, sagutin mo ang itatanong ko." may kung anong di mailarawang galit at awtoridad ang boses ng kaibigan.
Hindi niya ito sinagot. Bagkus ay hinintay niya ang susunod na sasabihin nito. Malalalim na paghinga lang ang pinapakawalan niya.
"Kahit kailan ba Jeremy, walang naging puwang si Psyche sa puso mo? Kahit kailan ba hindi mo siya ginusto? Gusto mo ba talagang mawala ang babaeng minahal ka ng buong-buo sa kabila ng mga kapintasan mo? Mag isip ka, Jeremy. Subukan mong magpakalalaki."
Wala nga bang naging puwang si Psyche sa puso niya? Ang totoo, meron. Malaki ang espasyo ng dalaga sa puso niya. Kahit kailan ba hindi niya ito ginusto? Hindi lang niya ito gusto.. gustong-gusto.
At gusto ba niyang mawala ang babaeng minahal siya ng buong-buo? Hindi. Ayaw niya.
Pero...
Hindi si Psyche ang babaeng nararapat para sa kanya. Si Psyche...ay mali, si Samantha Kim ay ang lehitimong anak ni Raul Cho Kim na siyang nagpapatay sa kanyang ama..at kanyang mahal na bunsong kapatid na lalaki. Oo, hindi lang si Millicent ang kapatid niya. Meron pa siyang kapatid na lalaki at buhay pa sana ito ngayon kung hindi lang dahil sa kasakiman at kasamaan ng mga Kim.
Pinangako niyang uubusin niya ang buong angkan ng mga Kim sa sandaling kaya na niya. At ngayon ang sandaling iyon.
Plinano niya ang lahat. Mula sa pagkikita nila..pag kakapadpad nito sa unit niya..sa pagiging magbedmate nila..ang patay na pusa sa banyo nito..LAHAT.
Kaya dapat...dapat gawin niya ang nararapat.
"Say yes Jeremy, and I'll rescue Psyche. Aalisin ko siya rito at mabubuhay siya. Say no, at iiwan ko siya. Hahayaan ko siyang mawala. At ikaw at ako, papatayin ng konsensya natin hanggang sa mawala na rin tayo."
Oo o hindi lang.
Kapag um-oo siya, masisira ang lahat ng pinagplanuhan niya. Sisirain niya ang pangako niya sa puntod ng mga magulang.
Kapag hindi...
Si Psyche...
At naalaala niya ang kung gaano kaganda ang dalaga... Kung papano kumislap ang mga mata nito tuwing magkukunwari siyang pinapahalagahan ito.
Pero kunwari lang ba ang lahat?
Pagpapanggap lang ba ang lahat ng ginawa at sinabi niya? Bumalik sa isipan niya ang nangyari sa isang park kung saan naratnan niya ang umiiyak na dalaga at kung saan binitawan niya ang mga katagang..
"No, Psyche...Let me win your heart.."
Kasinungalingan lang ba talaga ang lahat ng yun?
Mariin siyang napapikit. Matapos ay napatingin sa suot na wrist watch.
15 minutes.
Labing limang minuto nalang at mawawala na si Psyche sa buhay niya...
"Rhidge..y-yes." nanginginig ang tinig na winika niya sa kaibigan at kasabay ng pagpatak ng kanyang luha ay ang mga katagang,
"Save her...please."
***
The secretary of the author says that due to the last chapter, some shippers of PsyRem hunted the author. She was bound to an oak tree and left there to be eaten by lions.
Luckily,we rescued her and now, she's in the hospital--mending her broken limbs.
Thank you ( xD )
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. SEX GOD -Book One [COMPLETED]
RomanceAng akdang ito ay rated SPG. Striktong patnubay ang kailangan sa mga batang mambabasa. GARANTISADONG may maseselang eksena, sekswal, karahasan, kagaguhan, murahan at trolling na hindi angkop sa mga ISIP BATA. STORY BY : Chennieberries COVER BY :...