1 4

172 9 4
                                    

"Hindi niyo naman sinabi na hindi ko pala dapat sabihin."

Kyla looked down while Carleen is scolding her. Siya kasi ang nagsabi na aalis ako bukas. I didn't take it as a big deal but I don't know why Carleen did. She's dropping the 'respect' and 'privacy' line.

Carleen gave her a death glare earning a pout from her. I chuckled as I went to stop them. Mabuti na lang at hindi na nagdagdag pa ng sasabihin si Carleen.

"Alam niya rin pala na nandito ka---"

"What? Pati ba naman 'yon?" I massaged my forehead when Carleen started scolding her again.

"It's as if nagtatago si Callan 'di ba?" Kyla rolled her eyes.

"Hayaan mo na. Hindi naman siguro---" Before I could even finish my line, the doorbell rang. All of us looked at each other. I sighed when Kyla gave me a peace sign. "Hey, open the door."

"Maka-hey, parang hindi friendship. Ito na po, kamahalan." She stood up and went to the door.

Umupo ako sa pang-isahang upuan, pilit pinapakalma ang sarili. Whenever he's around, my heart became wild. At 'yon ang iniiwasan kong mangyari kaya hangga't maari, lumalayo ako. But I don't know that destiny was this playful.

As he entered the room, his eyes darted at me first. His emotionless face equated to my blank aura. We stared at each other's eyes until someone cleared her throat, diverting the tension.

"Ano? Gusto niyo shot?"

"Redhorse lang naman binili mo, makayaya ng inuman," Carleen spoke.

"Heh! Kung ayaw mo ng Redhorse, e di 'wag." Kyla went to the kitchen to get the drinks.

"Hindi ako iinom. Maaga pa gising ko bukas," sabi ko.

"Kahit kaunti? Hindi naman nakakalasing 'yang Redhorse. Kaunti lang." I narrowed my eyes at Liam who still gave me glass. "Bro, konti lang."

"If he doesn't like drinking, let him." My mouth went agape when Dillion suddenly grabbed the glass that was offered by Liam.

"Kaya nga, Liam. May lakad pa ang kaibigan ko bukas, saka mo na ayain." Kyla went outside carrying a bucket of ice. "Ikaw, Carleen. 'Wag kang mag-pass. Kailangan mong uminom. Hindi ka gold kaya manahimik ka."

"Hindi naman ako magpa-pass. I-bottoms up ko pa 'yan sa harapan mo." Carleen plastered a smirk.

And just like that, they started drinking. Akala ko, masyadong madami ang isang litro para sa kanilang apat, but it didn't take an hour for them to fully consume it. I watched how they drank another liter. Kumakain lang ako ng chips na binili ko kanina sa nadaanan kong sari-sari store.

Nagsimula na rin silang mag-usap. Hindi lang ako makapili kung kanino sasali kasi magkaiba ang topic ng dalawang babae at dalawang lalaki. In the end, I didn't interfere with them. Hinayaan ko na lang silang mag-ingay habang mabagal na nginunguya ang chips.

"Boring mo naman kasama, Callan. Wala kang ganap sa overnight." I suddenly stopped eating when Kyla spoke.

"Ahuh? What should I do, then?" I asked her. She snorted before stamping her feet on the ground.

"Punta ka sementeryo, kausapin mo lahat ng patay do'n, pisting yawa ka." I laughed at her words. She's always sarcastic.

"Are you drunk already?"

"Oo. Kaya kapag nasampal kita, lasing lang ako no'n, ha?" I shook my head. Nababaliw na naman siya.

I looked at Dillion who's now leaning on the couch, talking in a serious tone with Liam. Panay rin ang inom niya sa baso. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin si Dillion sa halip, nilabas ko ang cellphone ko at palihim siyang kinuhanan ng picture.

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon