2 2

165 8 0
                                    

"Wow, gamit na gamit utak ko. Konti na nga lang e."

Habang nasa canteen, dumating nang magkasabay sina Carleen at Kyla. Katatapos lang siguro nilang magsagot. Nauna lang naman ako ng ilang minuto at alam naman nila kung saan ako pupunta sa sandaling 'to.

"Sana lahat may utak. Nauna pang tumakas utak ko kaysa sa 'kin." Sabay rin silang naupo na akala mo'y pinag-aralan nila 'yon. I was just there, sitting unresponsively while having my breakfast. "Hala, ngayon mo pa lang kinakain breakfast mo? Sumbong kita kay Dillion."

"Don't. Mag-iingay na naman 'yon." I stopped her. Kilala ko 'yong lalaking 'yun, hindi ako no'n tatantanan kapag nalaman niyang hindi ako kumain ng breakfast sa tamang oras. "Nagmamadali ako kaya hindi ko na nakain."

"Wushu, ito na. Ite-text ko na." She pretended that she was typing on her phone.

"Sabihin mo rin may kasabay kumain. 'Yong topnotcher kamo ng BS II, hihi." They're pertaining to the guy from the BS II. "Dali na."

"You'll disturb him. Nasa exam pa 'yon." That's true. Nage-exam pa 'yon malamang at baka tumakas pa kapag nagsalita ang dalawang 'to. Knowing him. "Mamaya niyo na sabihin. Samahan ko pa kayo."

"Tapang naman po. Sabihin ko rin na kausap mo si Oreo?"

"That's a lie. He just asked me something out of your concern," I defended. Totoo naman. That Oreo guy just approached me to ask about direction.

"Ito na. Gagalit ka agad. Hindi ko naman talaga sasabihin, baka maghiwalay kayo nang maaga. Kahit naman bitter ang role ko sa inyo, hindi naman ako desperada na maghiwalay kayo. Wala pa nga kayong one month, ang grabe ko naman." She chuckled.

"Talkative ass." I hissed.

"Bastos 'to. Sana mag-away kayo ni Dillion tapos hindi ka suyuin."

"Hindi ka sana makapasa," I backfired.

"Hoy, grabe naman 'yon. Friendship tayo, 'di ba?"

Hinayaan ko lang siya sa kadaldalan niya. There's no sense of talking to her. Mamaya naman ay mananahimik na rin 'yan. Nakikinig lang ako sa usapan nila ni Carleen. Minsan, pinag-uusapan nila ang sagot nila sa isang item. Nagtatalo pa sila, e pareho namang mali.

This is the last day of our examination. Sa ngayon, hindi ko na muna iisipin kung tama ba lahat ng nasagot ko. I need to rest my mind even for a meantime. Gamit na gamit ngayong taon e. Ano na lang sa third year at fourth year? That would be a disaster.

"May outing daw buong block. Sama tayo!"

"G ako. Ikaw ba, Callan?" I looked at Carleen when she asked me. Alam niya naman ang magiging sagot ko, nagtatanong pa.

"I don't know if my parents will allow me." What a lame excuse.

"Stop me nga. Isa kang suwail na anak. Nasunod nga gusto mong course, ito pang outing? Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga. Naku naku, ha." I just laughed at Kyla's word. She's right. Hindi talaga ako palalabas. Especially gatherings. "Ang boring ng buhay mo. Pa'no ka kaya nagustuhan ni Dillion? Gawin ko rin kayang boring buhay ko para magka-Dillion din ako? What do you think? I'm open for suggestion."

"Dzai, kahit magkaroon ka pa ng pinaka-boring na buhay, hindi ka na magkaka-Dillion. Tanggapin mo na lang na mas bagay kang exchange gift."

"Heh, ang yabang mo, Carlutay. Belat ka."

And they started arguing again. Really, their days won't be completed without them, teasing each other. It's as if they're going to get sick if they don't fight. What a kid.

Ilang sandali pa kaming nanatili ro'n para magpalipas ng oras hanggang sa mag-aya silang lumabas. They didn't give me time to decline. Basta na lang nila akong hinila palabas kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama. Inisip ko na lang na ito ang treat ko sa sarili ko.

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon