2 1

172 7 7
                                    

"As I was saying, I'm going to stay at my friend's unit during the finals' week for me to have more time to study. Isang linggo lang naman, uuwi din ako. Hmm, thanks, Mom."

I dropped the call after informing my mom that I won't be at home for week. I sighed as I sat again on the sofa. Ilang oras na akong nakatambay sa unit ni Dillion. Tinulungan ko pa siyang maglinis dahil hindi man lang inayos bago ako papuntahin dito.

Sa gitna ng pag-iisip, napansin kong bumukas ang pinto ng banyo. My eyes darted at Dillion who's now drying his hair, he's already wearing a grey shorts and white sando. Nagpagpag siya ng paa saka tumingin sa akin nang mapansing nakatitig ako sa kaniya. He raised a brow.

"Wala pala akong bihisan." I informed him.

"I know." He went to his cabinet while still his drying his hair. Sinundan ko ng tingin ang pinaggagawa niya. "Don't worry, you can use mine as of the moment." Basta niya na lang binato sa 'kin ang kinuha niya.

"You mannerless bastard!" I threw him a pillow but he just dodged it and laughed. Tumatawa pa rin siyang dumiretso sa kusina. "Pahiram din akong tuwalya!"

"Just get the one I used."

I didn't take his word seriously. Kinuha ko ang spare towel na nasa aparador niya at dumiretso sa bathroom. This dork didn't even let me bring my essentials. Basta niya na lang ako pinapunta dito. Bukas ko na lang siguro kukunin ang mga 'yon. Gabi na rin.

I stayed in the bathroom for half an hour before deciding to go out. Pagkalabas ko, nakasalampak lang si Dillion sa higaan. He's looking at the wall but his eyes darted at me the moment I stepped out of the bathroom.

"Labas. Magbibihis ako," I told him. He chuckled before getting up. Just when I thought that he already left, I saw him peeking through the door. "Dillion! I said get out!"

"Silip lang e." Then I heard the door closed. Muli kong tiningnan kung totoo ngang nakaalis na siya bago ako nagbihis.

It's just plain white t-shirt and a black short. Maaliwalas naman sa katawan kahit na kaamoy niya. Mabuti na lang at halos pareho lang kami ng size ng katawan kaya kumasya. I went out of the room just to see Dillion doing things.

"Oh, tapos ka na?" Hindi niya ako tiningnan nang sabihin niya 'yon pero tumango ako. Dumiretso ako sa lamesa para kumuha ng tubig habang hinihintay siyang matapos magluto.

"Obviously." I threw him an apple when he faced me. Mabuti na lang at nasalo niya 'yon kasi kung hindi, tatama sana sa mukha niya. Sayang. "Ano bang niluluto mo? Kanina ka pa nand'yan."

"Corned beef." Pinahinaan niya ang apoy saka muling humarap sa 'kin. Tahimik lang kami habang hinihintay matapos ang niluluto niya. Kinakain niya lang din 'yong binato ko na mansanas. "Before I forgot, I only have one room here."

"I know. You'll sleep on the sofa." I stared at him seriously.

"What? No." He looked at me with the same intensity. "Tabi tayo."

"Ayoko. Sa sofa ka, o sa sofa ako." I let him choose.

"Sa sofa tayo." I mentally rolled my eyes at his decision.

"Basta, ayoko ng may katabi," I said with finalization. "O hindi na lang ako matutulog. You choose." I heard him groan in frustration. Mahina na lang akong natawa nang tumalikod siya.

Naririnig ko siyang may binubulong pero hindi ko na lang pinansin. I busied myself with my phone while waiting for him to be done.

I helped him preparing the table. Hindi ko nga alam kung natural lang ba ang kabagalan niya o sinasadya niya e. The former and the latter are both annoying, anyways.

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon