1 2

167 10 5
                                    

"Pasa!"

I watched how he smoothly received the ball that his mate passed. We're here at the gymnasium, consuming the free time we have. Inaya lang ako ng dalawa dito at kahit ayokong sumama, hindi ko alam kung paano nila ako napilit. Iniwan din naman nila ako dahil bibili raw sila ng pagkain. Baka isang kilometro ang layo ng canteen sa gym kaya hindi na sila nakabalik.

Muli kong tinuon ang paningin sa mga naglalaro habang hinihintay silang dumating; kung darating man. Accidentally, our eyes met. Siya ang unang nag-iwas ng tingin nang tawagin siya ng mga kakampi niya. Napahinga ako nang maluwag para ikalma ang sarili. That short eye contact instantly shook my entirety.

"Break muna. Tatanga-tanga naman, Hanz, talo na tayo, oh." Narinig kong sabi ni Dillion sa isa nilang kasamahan. Hanz just laughed at him. Kalaban nila ang mga nasa Archi-Dept na malamang ay nagpapalipas lang din ng oras.

Nakita kong lumapit ito sa pwesto ko kaya iniwasan kong magpakita ng kahit ano, kahit na ramdam ko ang pagkataranta. Magkasalubong na ang kilay nito nang tingnan ko siya kaya hindi ko maiwasang gayahin ang ekpresyon niya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya saka sinandal ang siko sa railings. Gamit ang isa pang kamay ay pinunasan nito ang pawis na tumutulo sa noo at leeg niya.

"Nanonood?" Tinuro ko pa ang mga naglalaro saka binalik ang tingin sa kanya. He looked back before sighing, bowing his head and glancing back at me. "I'm just waiting for my friend to come back," I reasoned out.

"Your friends? I saw them ride a car." My brows furrowed with what he said.

"Really?" He nodded. I sighed. Wow, what kind of friends do I have? "Well, if that's the case, I'll go home now." I stood up.

"Hindi ka na manonood?" He raised a brow.

"Nah. Hindi naman ako mahilig manood ng laro. Sumama lang naman ak---,"

"Okay."

I stopped talking when he turned his back on me. With fist-clenched and gritted teeth, I cursed him inside my head countless times. Hindi niya ba alam ang manners? Umalis ako ng gymnasium habang may inis kay Dillion.

Dahil half-day lang naman ang klase, maaga rin akong umuwi. Mabuti na lang at wala ang mga kapatid ko nang umuwi ako. Parang hindi ko kayang humawak ng kabuwisetan nang sabay. Dumiretso agad ako sa kwarto ko para maligo. Baka makatulong mag-alis ng inis sa katawan.

While in the shower, I can't stop myself from thinking of the things that happened when he entered my life. From annoying me every day, to being friends. Him, showing his weakest side with his family, and all became like this when I started ignoring him hoping that this petty feeling would fade. Para kaming bumalik sa simula dahil sa pinaggagawa ko.

Make you fall in three months, shit.

Then that girl suddenly entered my mind. Nand'on din siya kanina, nanonood sa game ni Dillion. I don't know what's with them but I am sure that they are not blood-related. Girlfriend? Best friend? MU? I would lie if I told you that I'm not bothered.

Bakit kasi ang complicated ng first love ko?

Hindi ko nga ma-recall kung kailan nagsimula. Noong naging magkaibigan ba kami? Or when I saw his soft side? Or that thing called love at first sight? I don't know. I just realized it. Baka masyado lang akong mabilis ma-attach. Or baka masyado ko siyang hinangaan nang malamang pareho kaming may problema sa pamilya.

Nang matapos sa pagligo, lumabas ako ng bathroom tapis-tapis ang tuwalya sa bewang. Nilibot ko muna ang kwarto ko habang nagpapatuyo ng buhok. Nang may madaanang salamin, tinitigan ko pa ang sarili ko. Malayong-malayo na ako sa batang sunod-sunuran sa magulang. I abandoned that kid long time ago.

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon