"Fucking alarm clock."
Sinubukan kong abutin ang alarm clock kahit nakapikit pa. Hindi ko maalala kung in-activate ko ba 'yon kagabi pero wala na akong panahon para alalahanin. Inis akong bumangon sa higaan ko't agad na dumeretso sa banyo.
"You're going somewhere?" I looked at Cleo when he asked me. Tumango lang ako sa kaniya. "You're not having your breakfast yet."
"Sa labas na ako magbe-breakfast. Nagmamadali ako." Kumaway na lang ako saka dire-deretsong lumabas sa gate.
I just told the driver the location. Alas-siyete pa lang naman ng umaga, hindi naman siguro ako gan'on ka-late? Ang usapan namin ay before seven-thirty. Hindi pa 'yan. And it's as if may magagawa siya kapag late nga ako.
"Kanina ka pa? Sorry, natanghali ako ng gising."
Pagdating na pagdating ko sa restaurant na napag-usapan namin ni Dillion, agad ko siyang pinuntahan. Mabilis ko lang naman siyang nahanap dahil hindi gan'on kalaki ang napili niyang place.
He's frowning but when he saw me, it vanished. He even waved his hand at me.
"Not really." Inayos ko pa ang buhok ko saka naupo sa harap niya. "Hindi pa ako nago-order. I'm waiting for you so you can decide what to eat." Tumango na lang ako saka naghanap ng kakainin ko.
Nakita ko ring pumili na siya ng bibilihin niya. Ilang araw na lang ay magpapasukan na naman kaya minabuti naming magkaroon ng bonding magkasama kasi malamang, magiging hectic na naman ang schedule namin pareho.
Napatingin ako sa kaniya at nakitang sobrang seryoso ng mukha niya habang namimili. His thick brows are furrowed. Kumikibot-kibot naman ang labi niya dahil sa mahinang pagbanggit ng kung ano. Agad akong napaiwas ng tingin nang lumingon siya pabalik.
"What are you staring at?"
"W-Wala." Fucking stutter. "Nakapili ka na?" I tried to change the atmosphere.
"Hmm, hindi ako makapili. Ikaw na lang. Kung ano'ng sa 'yo, 'yon na lang din ang sa 'kin." I mentally rolled my eyes because of what he said.
I called the waiter to tell him our orders. Bahala siya kung hindi niya magustuhan 'yon. Kapag hindi, e 'di ako na lang ang kakain. Tumingin na lang ako sa labas habang hinihintay na dumating ang pagkain.
Kung hindi ko nakilala si Dillion, malamang sa Singapore ako nagbakasyon. Malamang ngayon kumakain na 'ko mag-isa sa isang restaurant do'n o kaya naman nililibot ko na naman ang Orchard Road, inuubos ang natitirang oras. O kaya naman nagpapalamig sa Botanic Garden.
Ilang buwan na rin simula no'ng huli akong pumunta do'n at nami-miss ko na agad ang bansang 'yon. I am planning on going back there again on sem-break? Or maybe in Christmas break. Matagal pa naman 'yon pero nando'n na agad ang isip ko.
Wala pang pasukan, bakasyon agad ang iniisip. Tsk tsk, Callan.
"Thank you."
Ilang sandali pa kaming naghintay bago dumating ang pagkain. Mukha namang nagustuhan ni Dillion ang napili kong pagkain. O baka nagustuhan niya lang kasi gusto ko. Knowing him.
"Where do you want to go next after this?" Minutes after, Dillion tried to open a talk. I stopped eating for a while to think of a place to go. I know no good places here, especially since half of my life was inside my room.
"I don't know any. Ikaw, do you suggest something? Somewhere?" I asked him.
"Movie is so overrated so pass. Reading together is, uh, boring so no." Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hinayaan siyang mag-isip ng lugar na pwedeng puntahan. Hindi pa nga kasi kami tapos kumain, kung saan na naman napunta ang isip niya.
BINABASA MO ANG
Where Do Broken Hearts Go?
RomanceSUNRISE SERIES #5 Callan Tyler Addison's life is so dull. The only thing that kept him going was his dream; to go and work in Singapore. Being the top student in the business department, he was adored by many, including Nash Dillion Lincoln. Being a...