0 4

239 16 17
                                    

"Huh..."

While sitting quietly on my room's balcony, I received a notification from my Facebook App. Someone added me. I frowned when I saw his name appear on my request section. Nag-isip pa ako saglit saka 'yon dinelete. Baka napindot lang.

No one knew about this account. Only my family and friends. Sino naman ang mag-e-effort para i-search pa ang name ko? Hindi siya ang unang papasok sa isip ko kapag tinanong 'yon.

Nash D. Lincoln sent you a friend request.

I sighed and massaged my forehead before accepting his request. Binaba ko na ulit 'yon saka pinagpatuloy ang ginagawa. May presentation kasi kami this Monday about Marketing Research. Mas mabuti nang gawin 'to nang maaga kaysa naman mag-cramming ako.

Napakamot ako ng kilay nang tumunog naman ang messenger ko. I rolled my eyes before taking off my glass, checking what is it now.

Nash:
Hi. Sorry if I bother you. I'm just going to ask something about our research :)

Nash:
Can I? It's fine if you say no but you're the best when you say yes <33

I licked my lower lip, thinking if I should reply to him. Na-seen ko naman na. Parang ang bastos naman sa part ko kapag seen-in ko lang siya.

Callan:
Go ahead.

Umalis muna ako sa balcony ko para bumaba at kumuha ng pagkain. Nakakagutom pala. Tiningnan ko muna ang paligid, tinitingnan kung may tao. Mabuti na lang at wala. Malamang ay sumama na naman sila sa kani-kanilang tropa.

Nagawa pang magbulakbol.

Nang makakuha ng pagkain, which is tea at tinapay lang naman kasi wala akong makitang iba, umakyat na ako ng kuwarto ko.

"The fuck? Excited naman masyado 'to." I cursed under my breath when I saw how he flooded me with his messages. Tangina.

Callan:
Sorry. I needed to do something, I didn't reply to you ASAP. I'll send you the details and the answers to your questions.

Kagat ang tinapay kong sinulat lahat ng tanong niya. Ang dami niyang tanong, nakakainis. Kung hindi lang 'to required sa Monday, baka pinabayaan ko na siya. Kahit naman masama ang ugali ko sa kaniya, handa pa rin naman akong tumulong. And one more thing, there's no competition between us so there's nothing wrong with helping him.

Tinapos ko na lang muna ang akin saka ko sinagutan ang sa kanya. Ako pa ang ginawang respondent amputa. Ang dami-dami naming kaklase e. Nand'yan naman si Carleen o kaya 'yong ibang lalaki na lagi niyang kasama.

Tinanong ko na lang siya kung anong email niya para d'on ko na lang i-send. PDF naman kasi 'yun atsaka hindi ako sanay magsend ng files sa messenger. Nang masend niya sa 'kin ang email niya, pinasa ko na sa kaniya ang respond ko. Sinadya ko talaga na tatlong magkakaparehong file ang maise-send ko para maasar siya.

Nash:
Why did you send 3 similar files?

I smirked before sipping at my tea, feeling great because my plan was successful. I can even visualize him, frowning. Pero nabuga ko ang iniinom ko nang magsend pa siya.

Nash:
Does this mean, 'I like you?'

The fuck?

I left him on seen. That would be offending. Nakabawi na ako.

Buong araw lang akong nasa bahay, inaaral ang mga dapat na pag-aralan. Inayos ko rin ang kuwarto ko out of boredom. Ang libro ko na puro engineering and stuffs, itinago ko muna. Kung hindi siguro Business Ad ang kinuha ko, baka mag-a-Aeronautical Engineering na lang ako.

Humilata muna ako sa sofa nang mapagod kalilinis. Hindi naman kalakihan ang kwarto ko pero nakakapagod pa ring linisin mag-isa. Lalo na 'yong mga kahon na hindi ko na maalala kung kailan ko nilapag dito.

Nang makapagpahinga na nang maayos, naisipan ko nang maglinis ng katawan. Pakiramdam ko, ang lagkit ko na.

Nagdesisyon ako na magtagal na lang sa cr. Wala naman akong gagawin ngayong araw kaya hindi naman siguro masamang magbabad sa cr. I just want to rest under the shower. It calms every bit of me.

Tapis-tapis ang tuwalya na lumabas ako ng banyo. Umupo ako sa dulo ng kama ko habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang isa pang tuwalya. Kinuha ko ang cellphone ko para mag-online at tingnan ang group-chat na hindi man lang ata nagkaroon ng 'amag season' kung tawagin nila. Naka-mute sa 'kin 'tong GC na 'to kasi laging nagi-glitch ang phone ko sa dami nilang sinasabi. Buti sana kung may sense.

I just scrolled through my feed. Kakaunti lang ang friend ko kaya naman hindi na nakakapagtaka na wala masyadong laman ang newsfeed ko. I don't often check it, though.

Nash D. Lincoln
Business Ad | Kind of Single
1,036 friends (12 mutuals)

I don't know what's with me but I stalked his account. I viewed his list of friends to know what type of person is he in.

Dillion
Building is my dream but my dream is not for me.
87 friends (1 mutual)

My forehead creased when I saw his other account. It's private. It's his, right? And building is his dream?

Building? Business? There's no connection between the two. I shook my head. Sinasabi ko na nga ba. Kaya pala lagi niyang tinutulugan ang klase. Dahil hindi niya naman gusto ang tinuturo. He's not interested with business. I wonder if he's one of those kids that was manipulated. Pity him.

Nash:
Done stalking?

Sent photo.

:)

My phone almost fell because of his chat. Mabuti na lang at 'yong 3 days ago na post lang ang na-like ko kaya medyo madaling lusutan.

Callan:
Dumaan sa feed ko.

I sighed before deciding to dress up. Hindi pa pala ako nakakapag-damit kaya malamig. Hindi ko alam kung bakit sinilip ko pa ang phone ko para tingnan kung nagreply siya.

Nash:
I stalked your friend's profile and you have no reacts to their post. How lucky I am. Callan reacted to my post 3 DAYS ago.

Bakit capslock ang 3 days? Napakakapal naman talaga ng mukha niya. I scoffed before throwing my phone on the bed. Ilang beses ko muna siyang minura bago ako kumalma.

When we met on Monday, there was a mocking smirk on his face. Well, usual him. I didn't mind him. He's always been like this. O baka sa 'kin lang?

"Let's have a deal," I raised a brow on him because of what he said. Katulad ng dati, umupo na naman ito sa lamesa namin.

"I don't do deals."

"Hmmm..." He clicked his tongue on his lips before letting out a chuckle. "It's just a bet. You're not going to lose a great amount." Lumapit pa siya sa 'kin kaya umiwas ako ng tingin.

"Go ahead, I don't care," I said, not looking at him.

"3 months." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Anong meron sa tatlong buwan?

"Oh?" I didn't show any interest.

"I'll make you fall for me in 3 months."

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon