1 3

179 7 12
                                    

"Sino 'yong kasama ni Dillion?"

I looked at where Kyla pointed her finger. He's with that girl again. He once told me that she was Shane, his friend in Singapore. They're in the same university but got separated when he entered NUS and now, Shane decided to also stay here in the Philippines to finish her college and reach her dreams. She's from the PolSci department that's why I don't get the point of her, still going with Dillion. Malayo ang Political Science sa Business Ad building.

"I don't know her personally pero narinig ko na she's Shane Vegas, new student of PolSci," Carleen said with an uninterested tone.

"May something ba sa kanila?" The topic made me uncomfortable. "Tingin mo, Carleen? Bagay ba sila?"

She looked at me before shrugging. "Hindi ko alam."

"Pero tingin mo bagay sila?" Ang kulit ni Kyla.

"Hindi," Carleen answered her shortly. Ngumuso naman ito saka pinagmasdan ang dalawa mula sa malayo. They are casually talking. You will really know that they have known each other for a long time the way they talk. "Why are you so concerned about them ba?"

"Wala naman." Sumimsim siya sa milktea na binili pa nila ni Carleen sa labas ng university. "Ay, oo nga pala, Callan. If ever matutuloy ka sa Singapore in the future, saan ka mags-stay? Sama ako."

"Hmm? I don't know. Baka kumuha na lang ako ng unit malapit sa company na papasukan ko. And you? You also want to be in Singapore? Akala ko ba Korea ang dream destination mo?" I asked her. "Kasi gusto mong makita ang mga Koreans na wala namang pake sa 'yo." I mocked Carleen's voice earning laugh from her.

"Awit ka naman, lods. Realtalk," said Kyla.

We just stayed there for fifteen more minutes before deciding to leave. I even looked at Dillion but he didn't even glance at me. Nakikinig lang siya sa whatevers ni Shane. I smiled sarcastically.

Baka ako lang ang nag-isip na seryoso siya with the three months shit. 

I laughed inwardly. I am still grieving for that senseless deal.

I was silent the whole time. Hindi na bago kila Kyla ang katahimikan ko kaya hindi na sila nagtanong kung anong nangyari. Sila lang naman ang laging nag-uusap all the time habang ako, hindi ko na alam kung anong iniisip ko.

Hanggang ngayon naman ay magkatabi pa rin kami sa upuan but unlike before, we talk less. I could feel his stares but I fought the urge to look back. But I just can't stop myself. I looked at him and our eyes met. His ash-like eyes never disappoint to send amusement within me.

"What are you staring at?" I frowned at what he said.

"Ikaw ang unang tumingin," I said, not taking off my eyes on him.

Nagsukatan pa kami ng tingin. Kahit na ilang na ilang na ako, pinilit kong labanan ang nakalulunod niyang tingin. Sa huli, siya rin ang unang nag-iwas. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa saka yumuko sa lamesa niya.

Ilang sandali pa kaming nanahimik. Nakita ko ring unti-unti nang nagsisidatingan ang mga kaklase namin kaya napaayos ako ng upo.

"I missed you..."

Tinutok ko ang atensiyon sa harap nang magsimulang magsalita ang instructor. Hindi ko na masyadong pinansin si Dillion kahit alam kong panay ang tingin niya sa 'kin. Napailing na lang ako sa isipan.

"Sama ka, Callan? Mago-overnight kami nila Carleen sa bahay. Wala sila mommy kaya I'm free!" Hindi ko ata nakitang bumaba ang energy ni Kyla kahit kailan.

"Sama ka na, Callan. Chill-chill lang tayo." Carleen tried to persuade me too.

"Sinong kasama?" I asked them as I checked if I had something to do.

Where Do Broken Hearts Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon