"I got to go first. Late na rin, baka kailangan mo ng magpahinga."
Ilang oras din siyang nanatili sa apartment ko bago niya naisipang umuwi na. I think, it's already ten in the evening? Nakatingin lang kami sa isa't isa. Mukhang hinihintay niya na magsalita ako.
"Ingat." Maikling sagot ko. Tumango lang siya saka naglakad paalis. I even watch him entered the elevator.
Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, sinarado ko ang pinto at bumuga ng hangin. Hindi na din naman ako nagtagal do'n at agad na pumasok sa loob ng kuwarto nang makaramdam ng antok. May trabaho pa ako bukas, ayoko namang magpuyat.
Kinabukasan, maaga akong umalis ng apartment ko. Kailangan ko na naman kasing mag-abang ng masasakyan. Kapag hindi ko inagahan, baka ma-late ako ng dating sa trabaho ko. Ayokong magisa na naman.
Last time kasi na nalate ako, nang-warshock head namin. Buti na lang nando'n si Fragid kaya medyo nakaligtas ako sa kaniya. After that event, I promised to myself that I will never be late again. Kaya nga bumili ako ng bagong sasakyan. Kaso, nasira kaagad.
Maybe I should consider Dillion's offer?
He said he knows someone who sells car. Okay lang kahit secondhand, basta ba maayos at magagamit pa. Hindi katulad nung bulok ko na sasakyan.
"You need a ride?"
I was shocked when I saw Colby on the parking lot. Natawa pa siya nang mahina nang makita ang gulat na mukha ko. Bumaba siya ng sasakyan at inakbayan ako.
"I am going to the same building where you are working, so I thought of giving you a free ride." Tinanggal niya ang pagkaka-akbay sa'kin at binulsa ang kamay. "Come on, time is running."
Tumango na lang ako at sumakay sa shotgun seat. Sumunod naman agad siya, saka pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang ako buong biyahe, habang siya naman ay sinasabayan ang tugtog sa stereo ng sasakyan.
Minsan, may tinatanong siya sa'kin pero tango lang ang sinasagot ko, o kaya iling. Hanggang sa makarating kami sa building, dinadaldal niya pa din ako.
Magkasabay kami sa elevator at doon lang siya tumahimik dahil may mga kasama kami. Bahagya na lang ulit akong yumuko para hindi nila ako pansinin.
"I'm already in my destination. See you when I see you, Callan!" Colby said. I only nod at him, then he already left the elevator. Ako naman ay hinintay ulit na makarating sa palapag kung nasaan ang office namin.
"Good morning, Cal! Coffee?" Cybelle offered me a cup of coffee. Hindi pa ako nakaka-upo pero mukhang may bitbit na naman siyang kuwento. Typical her.
"Thanks." I get the cup and sat on my seat. Bahagya kong inayos ang ibang papel na nagkalat sa table ko. "Good morning, too."
'Yun lang ang sinabi ko at binuksan na ang computer. She remained on my side, and I can sense her stares. I can't help but to look back. I raised a brow, urging her to talk.
"Wala. Dito na ako. Have a good day! Sabihin mo lang kapag may kailangan ka." She winked at me and walked away.
From: 09580871458
doon ka ulit kakain?My brows furrowed when I received a text message from someone. I was about to ignore it, baka nagkamali lang ng nasend-an pero muli itong nag-text.
From: 09580871458
it's Dillion, i'm sorry i forgot to includeUnconsciously, my brow raised. Nagdalawang isip pa ako kung re-reply-an ba siya pero nang makita ang head na papunta sa direksiyon ko, agad kong naitago ang aking cellphone.
She's walking with no expression on her face. Dinig na dinig ang pagtunog ng yapak niya sa buong tahimik na silid. Halatang-halata sa mukha ng mga kasamahan ko ang pagtataka at pagkabalisa.
BINABASA MO ANG
Where Do Broken Hearts Go?
RomanceSUNRISE SERIES #5 Callan Tyler Addison's life is so dull. The only thing that kept him going was his dream; to go and work in Singapore. Being the top student in the business department, he was adored by many, including Nash Dillion Lincoln. Being a...