MAKATA, TULA, TUGMA

78 2 0
                                    

MAKATA, TULA, TUGMA

Muling pinagbagsakan ng langit at lupa
Pluma't papel ay handa na muli sa panibagong paksa
Nabuhay ang nahihimbing na makata
Pinagningas ng sakit at mga luha

Ilalabas ang hinanakit sa pamamagitan ng mga letra
Itatanong lahat ng 'bakit' sa tulong ng mga tugma
Ibubuhos ang hindi masabing mga salita
Ikukubli sa mga kahulugang mahirap makita

Saksihan ang kalalabasan ng kaniyang tula
Hindi ganun kabigat kung iisipin ang paksa
Subalit nang simulang isulat ang bawat letra
Naging singbigat ng mundo ang hawak na pluma

Naging sandalan ang bawat tugma
Naging sumbungan ang papel- naging katha
Pluma'y naging gabay upang matapos ang pagluluksa
Makata, tula, tugma; lahat nabuo dulot ng pagluha

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon