SABING H'WAG NA

0 0 0
                                    

Noon, nasasaktan ako dahil sa sariling mga ilusyon
Na kesyo pinaasa ako ni ano —
Niloko niya ako
Ngunit ang katotohana'y hindi nga ako kilala ng lalaking iniibig ko

Kaya siguro ang nakasulat sa diary ko'y pawang imahinasyon
Walang katotohanang ganap ngunit totoo ang nadaramang emosyon
Mga luhang pumatak ay bakas pa sa bawat pahina
Alam ba niyang may babaeng tumatangis dahil sa kaniya?

"Pinaasa niya ako dahil alam niyang may gusto ako sa kaniya"
Iyan ang pinaniwalaan ko simula no'ng una
Subalit, naisip ko na hindi kaya ako lang itong tanga?
Binibigyang kahulugan ang bawat kilos niya

Pinaasa nga ba ako?
O ang katotohana'y hindi nga niya ako kilala
Alam niya ang pangalan ko ngunit wala siyang balak alamin kung bakit ako naiiba
Kahit bata pa ako noon, alam kong inibig ko siya ng sobra

Inilaan ko ang bawat tula at kanta na ang bawat salita't  liriko'y sa munti kong isip at puso nagmumula
Limang taon ko siyang palihim na sinisinta
Ngunit isang araw nagising ako sa katotohanang masaya na siya sa iba
Wala na nga talagang pag asa

Ilang araw, buwan, at taong nagmukmok sa kawalan
Inakalang ang puso'y namatay na
Hindi na tumibok sa kanino man, tinanggap ko nang habang buhay na akong mag iisa
Pinangakong una at huling iibigan ay siya

Lumipas ang ilang taon at ang pusong nabasag tumibok na lang bigla
Ang isip ko'y nagpupumilit na "H'wag! Iibig ka't muling magpapakatanga? Tumigil ka!"
Subalit hindi naman magpapapigil ang puso, hindi ba?
"Sumugal ka, kahit huling beses na"

Pikit matang tumalon mula sa mataas sa gusali kahit hindi sigurado kung may sasalo nga ba
Muling nahanap ko ang sariling nakangiti sa mga gasgas nang linya
Nagbingi bingihan sa mga sermon makasama lang siya

Sinabi sa sariling handa siyang ipaglaban kahit alam kong isa akong dakilang duwag at tanga
Matalino daw ako ngunit hindi ako naniniwala
Ang matalino'y iiwas sa harang upang hindi siya muling madapa
Bakit paulit-ulit akong nagbubulag bulagan sa mga dapat ay iniiwasan na?

Alam nang kasinungalan ay paniniwalaan pa
Dahil araw araw ramdam kong hindi ako nag iisa kahit na malayo siya
Isip ko'y napuno ng mahika
Naniwalang ang buhay ay sasaya kasama siya

Alam kong nakakapagod nang paulit ulit na umasa
Ngunit sa isip ko siya'y naiiba
Sinanay nga naman ako sa mga pangakong, "Mahal kita"
Hindi raw mapapagod maghintay – talaga ba?

Lumipas ang araw at buwan, mga bulaklak ay nalanta
Inakalang lalaking naiiba'y nabura sa aking pahina
Nag-iwan pa ng salita, "Walang tatagal na ugaling mayroon ka"
Aba! Talagang tama ka

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon