COPYCAT

8 2 0
                                    

Copycat

"Copycat" - pamilyar ba ang salitang 'yan sa'yo?
Kung hindi'y aking ipapaintindi gamit ang tulang ito
Sakaling alam mo kung ano
Hindi ba't ayaw natin sa ganoong tao?

Hindi ko pinangarap maging idolo
Hindi naman ako sikat at kilalang tao
Hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko
Ngunit mayro'n akong sariling istilo

Hindi ko alam at ako'y nalilito
Mali bang mainis dahil mayroong nanggagaya sa iyo?
Dapa't ba'y matuwa dahil may taong nais maging katulad mo?
Naku naalala ko ang Hailey at Selena issue

Nais ko lang naman mabuhay ng masaya
Subalit ako'y napapasimangot sa tuwing naiisip na
Ang mga ginagawa ko'y ginagawa na rin niya
Eksaktong mga salita na nagmula sa labi ko'y iaangkin niya

Magcredits nalang siguro siya
At nang hindi na uminit ang anit kong nag aapoy sa init ng klima
Idol mo ba si Hailey Baldwin, huh?
Baka pati outfit kong walang kwenta'y gayahin mo pa

Hindi ba't ang babaw ng aking inis?
Nagpapakaimmature lang siguro ako, sis?
Nais ko lang naman maging ako
Hanapan kaya kita ng sariling identity mo?

Ang punto ko'y h'wag naman sanang sumobra
'Yong tipong nagbabalak ka maging ako
Aba'y hindi na iyon tama
Hindi ako worth it na gayahin maniwala ka

Ngunit salamat at dumating ka
Narealize kong sa wakas nagawa kong maging ako na dati'y hinahanap ko sa iba
Naranasan ko na ring naisin na maging katulad nila
Hindi naman pala iyon masaya

Sana'y dumating ang araw na mamulat ka
Hanapin ang sarili hindi mula sa repleksyon ng iba
Maging ikaw ka't h'wag matakot sumampa
Pangako, hindi ganoon kasama ang maging naiiba

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon