SABIHIN MO

25 2 1
                                    

SABIHIN MO

Sabihin mo sakin ang pakiramdam ng nag iisa
Ipaliwanag mo sakin at ipaintindi mo pa
Sabihin mo sa'kin kung gaano kasakit
Na para bang hindi ko iyon naranasan kahit saglit

Sabihin mo sakin ang pakiramdam ng iniwan ka sa ere
Sabihin mong pabigat ako sa buhay mo't hindi na pwede
Sabihin mo sa'kin na para bang hindi ko alam
Akala mo ba'y wala akong pakealam?

Hindi kita pipilitin kung disesyon mong lumisan
Oras ay hihinto na ng tuluyan
Magtatapos ang pangakong walang hanggan
Sa oras na sabihin mong,"PAALAM NA KAIBIGAN"

Sabihin mong naguguluhan ka lang
Sabihin mong manhid ako't walang pakiramdam
Ibato mo na lahat ng sakit at hinanakit
Kaya kong tiisin at itago ang pait

Naiintindihan kong kailangan mo ng oras
Magpakalayo layo ang naging alas
Alam kong hindi ako makakatulong
Patawad kong pinilit kong sumulong

Sa pagbabago ay hindi pala ako kasama
Hinihila ba kita pababa? Pasensya na
Labis na ba ang pakikialam ko sa buhay mo, 'yon ba?
Mga suhestyon at opinyon ko'y sinubukang bawasan na

Sabihin mong nakakasawa na
Hindi ko hiling na magapos ka sa mga nakakalasong salita
Sabihin mong hahanapin mo ang sarili mo
Kasama ba dun ang kalimutan ako?

Sabihin mong nakakapagod na
Paulit ulit ang malamig na gunita
Ngunit 'di ako bumitaw kahit masakit na
Nagbabasakaling maaayos pa

Hula ko'y hindi nagkatotoo
Kaibigang hiningi sa Maykapal ay pawang temporaryo
Sabihin mong hindi ka kumbinsido
Ang sinasabing pagbabalik gaano kasigurado?

Pareho lang tayong may pinagdaraanan
Alam mo kung ano ang naging kaibahan?
Magaling akong magtago ng nararamdaman
Kaya akala mo hindi ako naaapektuhan

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon