ALAALA
Mga ngiting hindi mapigilan
Mga tawang kay sarap pakinggan
Pagsasama nating kay sarap balikan
Sa alaala nalang muling masisilayan
Dati hindi lubos mawari
Na darating ang araw ng pighati
'Pagkat nalunod sa saya
Ng mga araw na kasama ka
Bakit kailangan matapos?
Bakit kailangan magtapos?
Bakit kailangan puso ko'y magapos?
Kung kaya mahal parin kita kahit tayo ma'y natapos
Bakit kailangan makilala ka?
Kung sa huli ay aalis ka
Bakit kailangan pa magustuhan ka?
Kung di rin pala tayo ang para sa isat-isa
Bakit binibigyan tayo ng masasayang alaala ng nakaraan
At bibigyan ng pighati sa kasalukuyan
Sabi'y matatapos din ang ulan
Ngunit bahaghari'y di ko nasilayan
Maaari bang ihinto ang oras
At nang hindi ko marating ang wakas
Ang wakas na magdudulot sakin ng kawalan ng lakas
'Pagkat ikaw ang naunang kumalas
Alaala nati'y paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko
Nagsasabing dati ay ako
Ngayon masaya ka sa ibang tao
At yun ang dapat tanggapin ko
Sa susunod ako'y magiging wais na
Pumili ng taong panghabang buhay na
Hindi yung bibigyan ka ng panandaliang saya
Pero iiwan ka 'pag nagsawa na
BINABASA MO ANG
𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
PoetryThoughts that form poetry. A collection of my soul's wonderings. Free to DM me for dedications.
