BUHAY
Pwede bang magtime out sa tuwing napapagod ako?
Napapagod sa kung ano-anong pakana ng buhay na saki'y binabato
Bakit ba ganito?
Pilit kong inaayos ang lamat
Ngunit di pa rin sumasapat
Mali bang naisin kong sumaya?
Burahin ang mga problema't mangarap na sana'y lahat nasa tama
Napapagod ako't konti nalang susuko na
O buhay ko maari bang mag apila?
Masaya sila't ako'y hinahayaan mong magdusa
Ayoko man isisi sa iba
Lumbay at hinagpis na aking nadarama
Subalit ako'y punong puno na
Nangangapa sa dilim at nag iisa
O buhay ko sobrang sakit na
Wala ba akong karapatan maranasan ang buhay na kay ganda?
Yung gigising sa umaga ng may ngiti at masaya
Totoo ang mga tawa at hindi lunod sa problema
Nais ko lang sumaya
O buhay ko, ako'y napapagod na
BINABASA MO ANG
𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧
PoetryThoughts that form poetry. A collection of my soul's wonderings. Free to DM me for dedications.
